Breaking News

“Rebirth”, Aktres Na Si Cherie Gil, Ginulat Ang Publiko Sa Kaniyang Desisyon Na Magpakalbo!

Mayroong mga pagkakataon sa buhay natin na hindi maiwasang makaranas tayo ng mga pagsubok at minsan ay kawalan ng pag-asa sa hinaharap. Kahit nga mga kilalang personalidad sa ating lipunan tulad ng mga celebrities ay aminadong dumadaan din minsan sa ganitong bahagi ng ating pagiging tao.

Sa katunayan, sa kabila ng kasikatan at karangyaan nila sa buhay ay tila ba mayroon pa ring kulang na kahit sino o anumang bagay ay hindi kayang makapuno. Ganito ang nangyari sa award-winning actress at batikang artista na si Ms.Cherie Gil.

Source: Cherie Gil

Noon pa man ay hindi na niya binibigo ang manonood at tagahanga sa kaniyang talento at galing sa pag-arte. Tinitingala din siya ng karamihan dahil sa kaniyang magandang buhay at pagiging successful sa kaniyang napiling career. Lahat ng ito ay nagawa niya dahil sa kaniyang pagsusumikap na magampanan lahat ng role na ibinibigay sa kaniya at masasabi ngang 100 percent ang ibinibigay niyang effort para sa kaniyang trabaho.

Source: Cherie Gil

Dahil dito ay parang napabayaan na ng aktres ang kaniyang sarili at aminadong halos hindi na kilala kung sino siya. Maraming mga negatibong bagay ang kaniyang pinagdaanan at hindi nga nahihiyang ibahagi sa publiko na sumailalim siya sa ilang therapy.

Sa kaniyang ekslusibong interview sa Mega Magazine ay nag-kwento ang aktres patungkol sa ilang bagay na ginawa niya para muling mag-umpisa na ayusin ang kaniyang buhay.

Source: Cherie Gil

“I get rid of all the clothes that symbolizes a past life…It’s just great to have this opportunity and to be alive, to start over…”, pahayag ng aktres.

Samantala, bilang parte ng kaniyang proseso para kalimutan ang nakaraan ay nagdesisyon din si Ms.Cherie Gil na mag-shave ng buhok at talaga namang ikinagulat ito ng publiko.

Source: Mega Magazine

“What’s hair diba? It grows. It’s symbolic to my personal growth..like a rebirth”, dagdag pa ng aktres.

Dahil nga sa napaka-gandang kwento ni Ms.Cherrie Gil ay naging inspirasyon siya sa nakararami at ngayon ay isa na naman siya sa mga hinahangaang cover girl ng Mega Magazine.

Source: Mega Magazine

Talaga namang parte na ng buhay natin ang makaranas ng mga negatibong bagay at ang mahalaga ay hindi tayo sumusuko at patuloy tayong natututo kung papaano bumangon at lumaban muli.


No comments