Breaking News

Anne Curtis, Ipinasilip Ang Bahay Na Titirahan Ng Kaniyang Pamilya Sa Southern Manila

Muling pinagbigyan ng “Annekabogable” aktres na si Anne Curtis ang mga netizens sa hiling nito na ibahagi sa publiko ang ilang detalye ng kaniyang napakagandang bahay na matatagpuan sa Southern Manila.

Ang bahay na ito ay talaga namang tugma sa personalidad ng aktres dahil glamorosa at elegante rin ang dating nito. Modern at country-style ang napili ni Anne para maging disenyo ng kanilang facade at nakapa-cute din ng kulay nito na combination ng white at pastel pink.

Source: Facebook

Sobrang nagpapasalamat ang aktres sa pagtutulungan ng magkapatid at parehong designers na sina Ivy at Cynthia Almario dahil naisakatuparan nila ang pangarap niya na magkaroon ng bahay na pang modern-day princess. Isa ito sa mga dream-come-true na Anne lalo na at noon pa man ay mahilig na talaga siya sa mga stories about princess.

Source: Anne Curtis Instagram

Samantala, sweet at dainty naman ang mga detalye ng kaniyang interior at pati dito ay pastel din ang napiling kulay ng aktres. Ang mga furnitures naman na gamit ni Anne ay ipinasadya niya pa lalo na yung mga gagamitin para sa kwarto ng anak niyang si Dahlia.

Maaliwalas ang loob ng bahay ng host dahil sa malawak na espasyo nito. Sa labas naman ay mayroon silang mini-garden kung saan pwedeng makapaglaro si Dahlia. Napapaligiran ito ng magandang damo at talaga namang very kid-friendly.

Hindi tiyak ang address kung saan nakatira sina Anne pero ang lugar na napili niya ay medyo malayo ng kaunti sa Manila dahil gusto niya na maraming nakapaligid na puno sa kanilang bahay at presko ang hangin. Isa ito sa paghahanda na ginawa ng celebrity -mom lalo na at magkakaroon na sila ng anak ni Erwan.

Source : Anne Curtis Instagram

Hindi rin alintana ng aktres kahit medyo malayo ito sa studio ng ABS-CBN dahil ang mahalaga sa kaniya ay ang magandang environment para sa kaniyang buong pamilya.

Samantala, matatandaan na sa Australia nanganak ang aktres at makalipas ang ilang buwan ay nagdesisyon itong umuwi sa Pilipinas at dito nga sila tumira ng kaniyang buong pamilya kasama si Erwan Heussaff at ang nakapa-cute nilang baby na si Dahlia Amelie.


No comments