Breaking News

Robi Domingo Ibinahagi Ang Kanilang Napakagandang Farm Na Pinangalanang “Big Ben Farm”

Isang kakaibang vlog ang ginawa ng kilalang host na si Robi Domingo sa kaniyang Youtube channel. Sa halip kasi na tungkol sa trabaho at mga celebrities ay paglilibot naman sa farm ang ibinahagi niya sa kaniyang mga viewers. Matagal na niya itong gustong gawin ngunit humanahap lang ng tamang pagkakataon at nang pumayag ang kaniyang mga kamag-anak ay hindi na nga ito nag-aksaya ng panahon.

Source: Robi Domingo Youtube

Ang nasabing farm ay ipinangalan sa kanilang apelyido ng kanilang mga ninuno ay dinagdagan ito ng Big Ben kaya ito ay naging ” The Eusebio’s Big Ben Farm”. Matatagpuan ito sa Pulilo, Bulacan, ang lugar na isa sa mga paborito ni Robin dahil tumira siya dito sa loob ng halos 3 years.

Source: Robi Domingo Youtube

Ayon sa kaniya, gustong-gusto ng Tita niya ang Big Ben sa London kaya naman ito ang naging inspirasyon para sa pangalan ng kanilang farm. Sa katunayan, kahit sa ilan pang mga negosyo ng kanilang pamilya ay ito rin ang nagiging trademark.

Source: Robi Domingo Youtube

Ilan sa mga ipinakita niya sa farm ay ang kanilang mga alagang manok na native. Kahit napakarami ng mga ito ay hindi pala ito ipinagbebenta ng dahil for “family consumption” lang daw ito lalo na ang mga itlog na masustansya.

Source: Robi Domingo Youtube

Samantala mayroon din silang pigery at mga magagandang lahi ng kabayo. Sa ngayon ay konti pa lang ang mga hayop na kanilang inaalagaan kaya naman malaya ang mga ito na maglibot-libot sa napakalawak na farm.

Source: Robi Domingo Youtube

Na-inspire nga si Robi sa mga Eusebio dahil very hardworking ang mga ito pero nakikita niya na kahit ang dami na nilang achievements in life ay nanatili pa rin silang humble at hangad nga na makatulong sa kanilang mga kababayan sa Bulacan.

Source: Robi Domingo Youtube

“This place never fails to amaze me. Talagang natutuwa ako..narealize ko din na yung Eusebio Family grabe yung gig!L nila sa pagtatrabaho pero at the same time they stay humble.”, sabi ni Robi bago magtapos ang kaniyang nakakatuwang farm visit.


No comments