Estudyanteng Nagtrabaho Bilang Yaya Para Makapagkolehiyo, Top-1 Ngayon Sa Licensure Examination for Teachers!
Malaking prebilihiyo para sa ilan nating mga kababayan ang magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Kaya naman kahit na maraming paghihir@p at sakripisyo ang kailangan nilang pagdaanan ay mas nanaig pa din sa kanila ang hangarin na makatapos at maabot ang pangarap.
Hindi nga nauwi sa wala ang pagsusumikap sa buhay ni Maricris Colipano, 26-years old at mula sa Brgy. Upper Natimao-an, Carmen, Cebu dahil siya ang hinirang na Top-1 sa katatapos lang na Licensure Examination for Teachers!
Ang kaniyang kwento ay inspirasyon ngayon para sa lahat dahil bago niya naabot ang tagumpay ay marami siyang hinarap na pagsubok. Lumaki siya sa isang payak na pamilya at ang kaniyang ama ay isang magsasaka. Naranasan niyang magtrabaho habang bata pa at dumating nga sa punto na kinailangan niyang huminto sa pag-aaral.
Una niyang nasubukan na maging yaya hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang kompanya Danao City noong siya ay 19-years old. Dahil dito ay nakapag-ipon siya ng pera para sa tuition fee at kahit nga medyo late na ang kaniyang edad sa enrollment ay hindi nagdalawang-iip si Maricris at tumuloy pa din sa pag-aaral.
Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa Cebu Technological University (CTU) Carmen Campus at matapos ang ilang taong ginugol niya sa paaralan ay marami siyang natutunan. Hinirang siyang Cum Laude ng kanilang klase noong Mayo 2019 at kumuha naman ng LET exam noong nakaraang buwan ng Marso taong kasaukuyan.
Buong sipag na nag-review si Maricris at wala siyang ibang hangad kundi ibigay ang kaniyang best sa exam lalo na at dito din nakasalalay ang matagal na niyang pangarap na maging isang licensed teacher. Dahil nga sa sipag at determinasyon ay nagkaroon siya ng average na 92.40% at ito ang pinaka-mataas sa kanilang batch.
“Hindi ako ma-Facebook na tao kaya hindi ko alam na lumabas na ang resulta noong Biyernes. Nag-online ang sister ko at nalaman namin ang resulta dahil nag-message sa kanya ang isang classmate ko”, kwento ng dalaga na halos hindi pa makapaniwala sa resulta.
Makakatanggap si Maricris ng monetary reward mula sa kaniyang alma matter at sa ngayon ay marami ang gustong mag-hire sa kaniya ngunit plano niya munang mag-volunteer teacher habang hindi pa officially employed.
No comments