Kilalanin Ang Mga Pinoy Celebrities Na Mayroong Credentials Sa Harvard University
Pagdating sa pagkakaroon ng magandang edukasyon hanap ng karamihan sa atin ang mga unibersidad na talaga namang subok na sa pagbibigay ng de kaledad na pagtuturo.
Isa na nga dito ang kilalang-kilala na Harvard University sa Amerika na hindi lang sikat dahil sa ganda ng lugar kundi dahil na rin sa naibibigay nilang kaalaman sa mga estudyante na gustong matuto ng husto. Halos karamihan nga sa mga tinitingalang tao ngayon tulad ng presidente, businessman, scientists at iba pa ay nagmula sa unibersidad na ito.
Ngunit alam niyo ba na mayroon ding mga Pinoy celebrities ang sumubok at nakakuha mismo ng credentials sa Harvard Univerity? Narito ang ilan sa kanila:
Charlene Gonzalez-Muhlach – dumayo pa ng Amerika para sa kaniyang Business Management Entrepreneurship course at nagkaroon nga ng record sa Harvard Univerity noong taong 2009.
Charo Santos-Concio at Carlo Katigbak – mga chief executive officers ng isang kilalang network sa ating bansa na naglaan ng panahon para sa kanilang anim na linggong pag-aaral sa advanced management program.
Toni Gonzaga – isang kilalang singer pero kumuha ng kursong Professional Development for Marketing Strategy sa Harvard Univeristy noong 2019 at naging magka-klase pa sila ni Dr. Vicky Belo!
Karen Davila – batikang news anchor sa ating bansa na nag-aral din sa prestihiyosong unibersidad. Kumuha siya ng maikling kurso sa Global Leadership and Public Policy for the 21st Century noong 2010.
Isko Moreno – mayor ng Manila ngayon na nag-aral ng short executive program sa Harvard Kennedy School noong 2012. Ito ay patungkol sa Leadership in Crisis at talaga namang naging malaking tulong para mas lalo niyang mapabuti ang pamumuno niya sa hinahawakang lungsod.
Talaga namang walang pinipiling edad o di kaya naman ay estado sa buhay ang pagkakaroon ng magandang edukayon. Marami na kasing mga programa ang mga unibersidad na nagbibigay ng scholarship o ng iba pang mga programa upang mabigyang pansin ang pangangailangan ng bawat indibidwal pagdating sa edukasyon na gusto nilang makamit.
No comments