Breaking News

“Mas Masaya” Meryll Soriano Ibinahagi Ang Kaniyang Buhay Bilang Mom of Two

Marami ang nagsasabi na masarap ang pagkakaroon ng mga anak lalo na at nagbibigay ito ng kasiyahan sa loob ng bahay. Ito nga ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga bagong kasal o mag-partner ay gusto ring magkaroon ng baby. Ngunit sa kabila nito ay napakaraming bagay ang kailangang isaalang-alang sa pagkakaroon ng anak lalo na sa panahon ngayon.

Source: Meryll Soriano Instagram

Nariyan ang pagsisiguro na ang financial budget ay sapat hindi lang para pangunahing pangangailangan ng bata kundi pati na rin pagdating sa mga hindi inaasahang pagkakataon tulad ng emergencies. Mararanasan din ang mga gabi na walang tulog dahil kailangan mong alagaan ang iyong anak o di kaya naman ay mga araw na hindi ka makakapasok sa trabaho dahil maroon itong s@kit.

Source: Meryll Soriano Instagram

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, marami pa rin ang nagsasabi na “nakakatanggal ng pagod ang mga bata” at napatunayan na nga ito ng halos lahat sa mga naging nanay. Isa na dito ang celebrity mom na si Meryll Soriano na ngayon ay mayroon ng dalawang anak.

Source: Meryll Soriano Instagram

Ipinanganak niya noong nakaraang taon ang bunsong anak nila ng aktor na si Joem Bascon, isa itong baby boy at kitang-kita nga ngayon sa mukha ng dating aktres na talaga namang super happy siya sa pagkakaroon ng bagong blessing sa pamilya.

“Ngayon, nanganak ako ulit, naging mother the second time around. Nagkaroon ng purpose.,”, kwento niya.

Source: Meryll Soriano Instagram

Halos wala rin siyang masabi dahil napakabuti ng kaniyang partner na si Joem at todo alaga nga ito sa kanilang mag-ina kahit na busy din minsan sa kaniyang trabaho bilang artista.

“Nakakatuwa, grabe ang alaga sa akin at sa baby. Grabe ang pasasalamat ko, hindi ako nahirapan. Lahat ng kailangan ko—emotionally, physically, lahat yun.”, dagdag pa ng aktres.

Source: Meryll Soriano Instagram

Kahit nga nakaranas ng hir@p sa panganganak ay naging worth it ang lahat para kay Meryll lalo na at ngayon na nasa 1st stage sila ng parenting ay magkatuwang nila itong hinaharap ni Joem. Madami man ang kailangan nilang gawin para sa kanilang super cute baby ay nagiging magaan ito dahil magkasama nilang ginagawa.


No comments