Breaking News

Dating Janitor Noon, May Sarili Ng Pinoy Restaurant Sa Australia Ngayon

Sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, maganda man ito o hindi, tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto nating mangyari sa huli. Ang ilan ay naglulugmok nalang sa kahirapan ngunit mas marami pa rin naman ang walang tigil sa paggawa ng paraan para kahit papaano ay paunti-unting makaraos at makamit ang tagumpay sa huli.

Source: Andrew Dangcan

Isa na dito ang kwento ng viral Pinoy na kilala na ngayon abroad. Siya ay walang iba kundi si John Andrew Dangca, may-ari ng Salu-Salo, isang Filipino restaurant na matatagpuan sa Canberra, Australia.

Nakaka-inspire ang kaniyang kwento dahil bago niya nakamit ang pangarap ay ilang beses din siyang dumaan sa mga pagsubok at hirap ng buhay. Dahil nga sa pagsali sa “Bawal Ang Judgemental” ng Eat Bulaga ay naibahagi niya sa mga Dabarkads kung papaano niya ito napagtagumpayan.

Source: Andrew Dangcan

Aminado si Andrew na halos lahat ng trabaho noon ay nasubukan niya tulad nalang ng pagiging street vendor at janitor sa loob ng mahabang panahon. Ngunit hindi siya nanatili dito at sa halip ay nagpatuloy sa paghahanap ng mga oportunidad para mas mapabuti ang kaniyang kalagayan.

“Bata po talaga kami noon, e. Parang nag-start po kami, nagtitinda po sa streets [ng] street foods, may kariton po kami.”, kwento niya.

Source: Andrew Dangcan

Sa kabutihang palad, isang kamag-anak nila sa Australia ang tumulong sa kaniya para maging working student abroad. Ito ang naging daan para unti-unti ng umayon sa kaniya ang tadhana. Janitor pa rin ang trabaho niya sa iba’t ibang lugar sa Australia. At dahil nga sa kaniyang pagpupursigi ay nakatapos siya ng pag-aaral at ngayon nga ay mayroon ng sariling negosyo.

Source: Andrew Dangcan

Muling sinubok si Andrew nang maapektuhan ng pand3miya ang kanilang restaurant ngunit kagaya ng dati hindi siya nagpatalo at sa halip ay mas pinagbuti pa ang kanilang serbisyo.

“Ina-ask ko po yung customers po namin na kung gusto po nilang magpa-deliver or ako po pupunta mismo, kahit malayo po, pupuntahan ko basta po may sales.”, dagdag pa niya.

Source: Andrew Dangcan

Talaga namang sa l@ban ng buhay, matira ang matibay. Kaya naman kagaya ni Andrew magandang malaman natin na ang bawat pagsubok na ating pinagdadaanan ay pansamantala lamang at mayroon pa rin tayong magagawa para sa huli ay maging maganda ang sitwasyon.


No comments