Breaking News

Dating Water Tank, Na-Transform Ng Isang Lalaki At Ngayon Ay Isa Ng Napakagandang Tank House!

Isa kaba sa mga naghahanap ng on-budget na bahay? Yung simple lang ang disenyo pero kumpleto naman sa gamit at pwedeng-pwedeng matuluyan bilang tahanan? Ganito ang hanap ng karamihan sa ating mga kababayan na medyo nagtitipid at naka-budget ang pera para sa pagpapagawa ng sariling bahay.

Source: Tonton YouTube

May sagot dyan ang isang netizen at real estate owner na si Ronald “Tonton” Tan. Sa katunayan, aliw na aliw nga ang mga netizens sa kaniyang nakakabilib na ideya kung saan ang dating water tank ay na-transform niya at nagawang bahay!

Panahon noon ng pand3miya nang ma-isip Tonton ang ideya para magkaroon ng libangan at laruan ang kanyang mga anak. Matagal na siyang naghahangad na magkaroon ng sariling tree house ngunit wala namang gaanong puno malapit sa kanilang compound. Ang tanging nakita niya sa gilid ng bahay nila ay ang water tank na hindi pa natatapos ipagawa.

Source: Tonton YouTube

“Nalungkot ako para sa mga kids, even kami hindi makalabas, hindi maka-explore.”, kwento niya.

Naisip ni Tonton na ayusin ito at gawing playground ng kaniyang mga anak. Nag-umpisa siya sa pagpaplano at nagdesisyon na gawing dalawang palapag ang mini-house na itatayo niya sa ilalim ng nasabing water tank na mayroong sukat na 5.4 sqm.

Source: Tonton YouTube

Umabot na sa halos 200,000 pesos ang kabuuang nagastos sa tank house at talaga namang nagmukha itong bahay na napaka-cute ng disenyo sa labas dahil kitang-kita sa taas nito ang tangke ng tubig. Samantala, pagpasok ay makikitang kumpleto ito sa gamit at mayroong sala, dining area, palikuran, kusina at may receiving area pa.

Source: Tonton YouTube

Sa loft area naman ay pwedeng maglagay ng dalawang kama kaya naman swak na swak ito sa isang pamilya. Sinigurado din ni Tonton na functional ang bahay na ito tulad nalang ng sofa bed nila na mayroong cabinet sa ilalim para malagyan ng damit at iba pang gamit.

Source: Tonton YouTube

“Naisip ko maging inspirasyon ang bahay na ito not just for kids but also to give inspiration sa mga nagtitipid ngayong pand3mic.”, dagdag pa ni Tonton.

Talaga namang napakaraming paraan ang pwede nating magawa para ma-achieve ang mga pangangailangan natin sa buhay. Ang kailangan lang ay diskarte at pagpupursigi katulad nalang ng ibinahagi ni Tonton.


No comments