Jimuel Pacquiao Nanalo Sa Kaniyang Ikalawang Amateur Boxing Fight Sa California!
Noon pa man ay idolo na ni Jimuel ang kaniyang Daddy na si Manny Pacquiao. Sa katunayan, habang lumalaki ito ay nakikitaan siya ng interes pagdating boxing kung saan sumikat ang kaniyang ama. Kahit nga pigilan siya ng kaniyang Mommy Jinkee ay patuloy pa rin ito sa pag-praktis at ipinapakita ang determinasyon na mas lalong pagbutihin ang kaniyang angking talento.
Kaya naman kahit na alam ni Manny ang mga posibleng mangyari sa loob ng boxing ring ay suportado nila ang panganay na anak at hinahayaan itong maranasan ang mga bagay na kailangan niyang matutunan.
Noong una ay sinubukan ni Jimuel na sumabak sa pag-aartista at napasali nga sa Squad Plus ng Star Magic ngunit mas nananaig talaga sa kaniya ang boxing kaya naman mas pinagtuunan niya ito ng pansin. Taong 2019 ng sumabak siya sa mga amateur fights at sa mga sunod-sunod na laban ay doon siya natuto ng mga techniques sa boxing.
Samantala, noong nakaraang taon ay sumama si Jimuel sa Amerika para panuorin ang laban ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas ng Cuba para sa WBA welterweight championship na ginanap sa Las Vegas. Matapos nito ay nagdesisyon siyang magpaiwan muna abroad at doon napasabak sa kaniyang kauna-unahang am@teur f!ght laban kay Andres Rosales, isang Mexican-American
noong nakaraang buwan ng Marso.
Nanalo siya sa nasabing laban at muli ngang tumanggap ng ikalawang laban at ngayon naman ay nakaharap niya si Jonathan Barajas na isang Mexicano. Naging maganda ang kanilang laban at inabangan nga ito ng kaniyang mga fans.
Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit ipinagpapatuloy pa rin niya ang boxing kahit na medyo late na siya para sa ganitong career.
“Since I kind of started late na sa boxing so I have a lot of years na parang kailangan habulin, or so they say. Kaya ko naman siya pagsabayin. There’s always time to train and I’m motivated naman when it comes to boxing so kaya naman.”, pahayag nito sa press.
Isa ngang malaking achievement sa kaniyang boxing dream ang manalo ng sunod-sunod sa am@teur fights at ito ay ipinagdiwang niya kasama ang kaniyang buong pamilya.
No comments