Kilalanin Ang Estudyanteng Nakatanggap Ng 17 Milyon Scholarship Offers Mula Sa 7 Universities Sa Amerika!
Muling pinabilib ng isang Pinay na estudyante ang buong mundo matapos niyang maging viral matapos niyang magkaroon ng napakaraming offers mula sa iba’t ibang unibersidad sa Amerika.
Siya ay nakilala bilang si Aneko Delfin at kasalukuyang nag-aaral ng highschool sa Philippine Science High School na matatagpuan sa Quezon City. Sa ngayon ay 18-years old pa lang ang dalaga at ayon nga sa kaniyang naging panayam ay itinuturing niya lang ang sarili bilang “average” student sa kanilang klase.
Lumaki si Aneko na nakikita kung gaano ka-passionate ang kaniyang mga magulang sa napili nilang trabaho at gusto niya na gayahin ang mga ito. Ang kaniyang ina ay isang school administrator samantalang ang ama naman ay isang I.T specialist.
Sa ngayon ay isang malaking desisyon ang kailangang gawin ng dalaga dahil matapos ang pag-apply niya sa mga universities sa ibang bansa ay sunod-sunod ang mga natanggap niyang scholarship offers. Kung pagsasamahin nga ang lahat ng ito ay tiyak na aabot sa mahigit kumulang 17 milyon pesos!
Narito ang ilan lang sa mga kilalang unibersidad sa Amerika na kinilala ang angking galing ni Aneko at nagbigay ng mga offers:
1. Bentley University - 8,160,000
2. Oregon State university - 1,224,000
3. University of Michigan- 204,000
4. Temple University - 408,000
5. Drexel university - 1,081,200
6. Hofstra University – 5,508,000
Ayon kay Aneko, sa kabila ng malalaking scholarship offers abroad, medyo nagdadalawang-isip pa rin siya dahil magastos talaga ang pag-aaral abroad. Kahit nga middle at upper class sa ating bansa ay minsan nagkakaroon pa ng konting struggl€ sa pag-cover ng tuition fees at iba pang gastusin.
Samantala, natanggap din ang dalaga sa magagandang unibersidad sa ating bansa tulad ng University of the Philippines, De La Salle University, at Ateneo de Manila University.
Dalawang linggo lang ang palugit na ibinigay kay Aneka ng mga nabanggit na paaralan kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang graduation ay dapat makapagdesisyon na siya kung saan niya gustong ipagpatuloy ang pagkakaroon ng magandang edukasyon.
Plano ni Aneka na tahakin ang mundo ng bio-informatics dahil sobrang passionate siya sa science at idolo niya ang kaniyang ama na isang I.T. specialist.
“That’s like combination po essentially of biology and chemistry with computer and data science”. dagdag pa nito.
No comments