Kilalanin Ang Hinirang Na “Most Loyal Employee” Ng Guinness World Records!
Masayang magtrabaho sa isang kompanya lalo na kung ang mga benepisyo dito ay maganda pati na rin ang pag-uugali ng iyong boss at mga kasama. Mayroon ngang ilan sa ating mga kababayan ang nakakatagal at umaabot ng 20 hanggang 50 years. Ngunit hindi pa pala ito ang sukdulan dahil isang lalaki ang kamakailan lang ay hinirang ng Guinness World Records bilang “most loyal employee.”
Nakilala siya bilang si Walter Orthmann, isang Brazilian at noong nakaraang April 2022 ay ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-100th birthday!
Ayon sa kaniyang kwento, bata pa lang ay natuto na siyang magbanat ng buto at bilang panganay, naging katuwang na siya ng kaniyang mga magulang sa paghahanap buhay. Kaya naman sa edad na 16 years old ay sumabak na siya sa isang regular na trabaho. Nakapasok siya noong January 17, 1938 sa isang textile company na Industrias Renaux S.A. at talaga namang pinagbuti ang kaniyang ginagawa araw-araw.
Para kay Walter isang biyaya na makakuha siya ng regular na trabaho dahil ibig sabihin nito ay regular din ang maibibigay niyang pera sa kanilang pamilya. Nag-umpisa siya noon bilang shipping assistant at dahil sa magandang performance sa trabaho ay na-promote siya sa sales hanggang sa naging Sales Manager na nga ng companya na ngayon ay tinatawag ng RenauxView.
Sa loob nga ng 84 years ay naging loyal si Walter sa kaniyang companya at araw-araw niyang ginagawa ng mabuti ang trabaho na ibinigay sa kaniya.
Samantala, marami ang nagtatanong kung papaano niya nakayanang manatili sa kompanya ng ganoon katagal. Ang sagot niya dito ay walang iba kundi ang pagmamahal mo sa trabaho. Dahil kung mahal mo ang iyong ginagawa hindi mo alintana ang mga lumilipas na araw hanggang sa mamalayan mo nalang doon kana pala tumanda.
“Throughout his 84 years of work, he has seen many things change in the company, in the country, and in the world.”, banggit ng Guinness kay Walter.
Isa rin sa kaniyang naging sekreto ay natutunan niya kung papaano mag-adapt sa mga pagbabago hindi lang sa kompanya kundi pati na rin sa paligid niya.
“As a result, he has come to understand that one of the most important parts of the business is to always be up-to-date and to adapt to different contexts.”, dagdag pa ng Guiness.
No comments