Breaking News

Para Sa Pangarap, Arci Muñoz, Nag-aaral Ngayon Para Maging Isang Piloto!

Maraming magagandang karakter at talento ang aktres na si Arci Muñoz na talaga namang hinahangaan ng kaniyang mga fans. Ilan nalang dito ang galing niya sa pag-arte, pagkanta at paggawa ng kanta. Kilala rin siya ng publiko bilang adventurous at ginagawa ang lahat para maisakatuparan ang kaniyang mga pangarap at kagustuhan sa buhay.

Source: Arci Muñoz Instagram

Sa katunayan, tuwang-tuwa ang mga fans ni Arci sa tuwing nagbabahagi siya ng updates sa social media dahil talaga namang nakaka-inspire ang mga ito. Sa edad niya ngayon na 33-years old ay hindi nga napigilan ang aktres na abutin ang pangarap niya na maging isang piloto balang araw.

Source: Arci Muñoz Instagram

Nang makahanap ng pagkakataon ay agad siyang nag-enroll sa isang aviation school at naka-focus ngayon sa pag-aaral. Makikita sa kaniyang TikTok account ang ilan sa mga behind-the-scenes ng unang araw ng kaniyang training.

“Never interupt someone doing something you said couldn’t be done. – Amelia Earhart #pilot Wonen rising above ground. Let your dreams take flight!”, caption ng aktes.

Source: Arci Muñoz Instagram

Hindi nga takot si Arci na sumubok ng mga bagong bagay at kahit pagpapalipad ng eroplano ay kayang-kaya niyang suungin. Sa isang selfie sa loob ng aircraft ay makikita na may suot siyang headset at nasa caption ng aktres na kinukonsidera niyang maging piloto someday.

“Manifestation…future pilot.”, saad ni Arci.

Samantala, inulan naman ng komento ang naging viral TikTok post ng aktres at karamihan sa mga netizens ay excited ng makita kung ano ang itsura ni Arci habang suot ang uniporme ng isang piloto habang nagpapatakbo ng eroplano.

Source: Arci Muñoz Instagram

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang aktres sa kaniyang career sa entertainment industry at kahit na abala sa kaniyang mga schedules ay nakakaya niyang isingit ang paggawa ng mga bagay na gusto niya tulad nalang ng pamamasyal abroad at pagkolekta ng mga cute na gamit.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay pumasok rin sa militar ang aktres at nakumpleto niya ang mga kinakailangang trainings.

Source: Arci Muñoz Instagram

“Actually for me it’s part of my responsibility as a citizen of our country, kaya ko ito ginawa (pagpasok sa military).”,pahayag ni Arci.

Napakaganda nga ng layunin ng aktres kaya naman walang duda na hanggang ngayon ay parami ng parami ang mga tao na sumusuporta sa kaniya.


No comments