Breaking News

Alamin Ang Inspiring Story Ni Adelio Garcia, From Kubo To Mansion Transformation!

Sino ba ang ayaw ng maginhawang buhay at magandang bahay? Ito ang isa sa talaga namang pinapangarap nating lahat kaya naman ganoon nalang ang pagsusumikap na ginagawa natin sa pagtatrabaho katulad nalang ng isang netizen na nakilalang si Adelio Garcia.

Source: Adelio Garcia

Agad naging viral ang kaniyang kwento sa social media matapos niyang ipakita ang before at after pictures ng kaniyang tahanan. Kung noon ay nakatira siya sa barong-barong, ngayon ay mayroon na siyang mansion na hindi lang isa kundi tatlong palapag pa!

Source: Adelio Garcia

Sa murang edad ay naulila na agad siya sa kaniyang ina at bata pa lang ay naranasan na ang hirap ng buhay. Pang-apat siya sa limang magkakapatid at lumaki sila sa kubo kasama ang kaniyang Tatay at step-mother. Dahil dito ay nagpursigi sa buhay si Adelio at pagkatapos ng highschool ay sumama siya sa kaniyang Tito sa Manila para makapagtrabaho.

Source: Adelio Garcia

Hindi siya nahiyang mamasukan sa kung saan-saan at una siyang naging helper/dishwasher sa isang noodle house sa kanto ng Tandang Sora Commonwealth Avenue na kilala sa pangalang “Joe Kuan”. Seventeen years old si Adelio at simula noon ay nagpalipat-lipat na siya ng trabaho at naging waiter pa nga sa Manila Peninsula, Makati Sports Club, at Padi’s Point sa Antipolo.

Source: Adelio Garcia

Ngunit ang talagang nakapagpabago sa kaniyang buhay ay nang makapasok siya sa Home Depot at maging isang sales supervisor.

“Dun na nagsimula ang pakikibaka ko sa sales/ahente”, kwento niya.

Source: Adelio Garcia

Gamit ang kaniyang nalalaman ay nagtayo siya ng sarili niyang kompanya noong 2010 at ngayon ay patuloy pa itong lumalago. Sa kabila ng mga challenges ay hindi siya sumuko kaya naman hindi nakakapagtaka na nakamit niya ang tagumpay sa buhay. Hindi lang kompanya ang meron si Adelio dahil mayroon din siyang mga nabiling lupa na ngayon ay kumikita na tulad nalang ng malawak na palayan sa Nueva Ecija.

Source: Adelio Garcia

Kagaya nga ng ilan sa mga kababayan nating nakamit ang pangarap sa buhay, sipag, diskarte at panalangin rin ang naging puhunan ni Adelio para maiahon ang sarili at buong pamilya sa hirap ng buhay.

“Wala pong imposible sa taong nagsisikap, basta manatili po sa atin ang kababaang luob at pananampalataya sa Panginoon.”dagdag pa niya bilang inspirasyon sa ating mga kababayan.


No comments