Breaking News

“Sky Is The Limit” Vice Ganda, Pinag-Shopping Ang Anak Ni Ethel Booba!

Good vibes ang laging hatid ng aktres at komedyanteng si Vice Ganda para sa kaniyang mga viewers at isa nga ito sa kaniyang mga katangian na talaga namang hinahangaan ng marami. Madalas nga itong magbigay ng mga jokes na bentang-benta sa mga netizens at minsan ay napapasama pa sa mga trending news.

Source: Ethel Booba Instagram

Samantala, hindi rin maikakaila ang pagiging mapagbigay ni Vice at tiyak na maraming tao ang magpapatunay nito. Aminado ang aktres na lumaki siyang nararanasan ang hir@p ng buhay kaya naman ngayon na naging successful na ay sinisigurado niyang nakakatulong siya sa ating mga kababayaan lalo na sa talaga namang nangangailangan.

Source: Ethel Booba Instagram

Kahit mga kaibigan ni Vice ay nagsasabi rin na talaga namang galante ito at mapagbigay. Nasubukan nga ito nang mapasubo siya sa “Can’t Say No Challenge” ng kaibigang aktres at komedyante na si Ethel Booba. Sa Youtube vlog ng aktres ay makikitang nasa mall sila ni Vice kasama ang anak na si baby Michaela.

“Two and a half years na, ‘te. Major sponsor ka nito.”, pagbibiro ni Ethel kay Vice.

Source: Ethel Booba Instagram

Parang nagdadalawang-isip nga si Vice at ang alam lang nito ay kakain lang sila ng kaibigan. Samantala, pabiro namang binulungan ni Ethel ang anak sinabing piliin nito ang mga mahal na laruan na bibilhin ng kaniyang Ninang.

Unang nilang pinuntahan ang isang toy store at makikitang sanay na sa pagshopping si Michaela at agad na nakapili ng isang laruan. Si Vice naman ay sumusunod lang habang nagtutulak ng shopping cart.

Source: Ethel Booba Instagram

Hindi lang isang cart ang napuno at nagdadag pa ito ng ibang lalagyan. Samantala, nang magbabayad na ay haos hindi makapaniwala si Vice nang malaman na umabot sa mahigit 124,000 ang babayaran niya.

“Binyag nga 124,000 ‘yung ginastos ko, paano pa kung ako ‘yung mismong tatay niyan. Bawasan mo ‘yung 24, ‘yung 100 magtatrabaho muna ako next week.”, pagbibiro nito sa kaibigan.

Source: Ethel Booba Instagram

Bumili din sila ng mga damit at mismong si Michaela ay tumutulong din sa pagpili at muli na namang nagulantang si Vice sa babayaran dahil umabot ng 192,000 ang total bill ng bata.

“192,000? Sabi mo magpapabili ka lang ng t-shirt. Ano’ng 192,000 babayaran ko?”, bulalas ni Vice.

Umaabot nga nga mahigi’t kumulang sa 300,000 pesos ang nagastos ni Vice sa araw na iyon para sa inaanak na si Michaela.

Talaga namang maganda ang naging samahan nina Vice at Ethel na parehong nakilala dahil sa kanilang kwelang pag-uugali.


No comments