Kim Chiu, Ipinasilip Ang Kaniyang Three-Storey Mansion House Na Matatagpuan Sa Quezon City
Kasabay ng magandang takbo ng karera sa showbiz ay makikita rin natin na talaga namang nagi-invest ang mga kilalang artista sa kani-kanilang dream house at isa na nga dito ang aktres at host na si Kim Chiu.
Noon pa man ay matayog na ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya kaya naman sa murang edad ay lakas loob itong nag-audition sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother. Sa kabutihang palad ay isa siya sa mga natanggap mula sa milyun-milyong nag-audition at ngayon nga ay kinikilala na bilang isa sa mga tanyag na artista sa ating bansa.
Hindi lang showbiz career ang na-achieve ni Kim dahil ngayon ay naipagawa niya ang kaniyang sariling bahay sa Quezon City . Mayroon itong tatlong palapag at bago pumasok ay mapapansin ang mystic knot na nakaukit sa pinto. Ito ay feung shui symbol at bilang isang Chinese ay naniniwala ang aktres na nakakatulong ito para mag-attract ng good fortune.
Samantala, sasalubong naman sa mga bisita ang isang cozy sala na neutral lang ang kulay at modern ang design. Makikita dito ang isang Egyptian chandelier na nagbibigay ilaw sa buong lugar.
Halos lahat nga ng kagamitan sa loob ng bahay ay mayroon si Kim at sa katunayan, nagpalagay din siya ng private salon na syempre kulay pink ang tema.
Sa ikalawang palapag naman madalas na dalhin ng aktres ang kaniyang mga kaibigan at bisita dahil dito matatagpuan ang kaniyang entertainment area. Mayroon itong theatre system, XBox 360 at Filmography player.
Para naman sa kaniyang sariling kwarto, mayroon itong dollhouse bedroom at sariling office area. Nagpalagay din ang aktres ng sariling bathroom na ubod ng lawak at mala-hotel ang disenyo.
Syempre, kagaya ng ilan pang celebrities, hindi mawawala sa mansion house ni Kim ang kaniyang walk-in closet kung saan nakatago ang lahat ng kaniyang mga gamit tulad ng bag, sapatos damit, perfumes at accessories.
Aminado ang aktres na isa rin siyang kolektor ng mga designer items samantalang ang ilan sa mga ito ay regalo sa kaniyang ng malalapit na kaibigan sa showbiz.
Talaga namang napakaganda ng mansion ni Kim Chiu at masayang-masaya ito dahil sa wakas ay na-achieve niya ang makapagpagawa ng sarili niyang dream house.
No comments