Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Kim Chiu, Nag-enjoy Sa Kaniyang Experience Sa Loob Ng Tiny House Sa Florida, USA

Sa paglipas ng panahon ay iba’t ibang disenyo na ng mga bahay ang nadiskubre ng karamihan sa atin. Ang ilan dito ay malaki at malawak samantalang mayroon namang maliit lang pero nandoon na ang lahat ng gamit na kailangan sa loob ng isang bahay.

Source: Kim Chui Youtube

Ito ang tinatawag na “tiny home” at una itong bumida sa ibang bansa ngunit unti-unti na ring ginagaya ng ilan sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas.

Source: Kim Chui Youtube

Isa nga ang aktres at host na si Kim Chiu sa mga nag-enjoy sa loob ng isang tiny house at ang kaniyang experience ay agad niyang ibinahagi sa mga netizens sa pamamagitan ng kaniyang Youtube channel.

Source: Kim Chui Youtube

Nasa Amerika noon ang aktres at dahil nagustuhan ng kaniyang mga followers ang una niyang ginawang “tiny house tour” ay minabuti niyang maghanap ulit ng katulad na bahay. Napili ni Kim ang kulay puting tiny house at halos mahigit sa dalawang dipa lang ang lapad nito. Mula sa labas ay makikita ang dalawang bintana na pinagitnaan ng maliit na pinto at mayroon din itong mga palamuting bulaklak.


Source: Kim Chui Youtube

Pagpasok sa loob ay bubungad kaagad ang mini sofa malapit sa bintana. Katapat nito ang mesa na multi-purpose at pwedeng gamitin na dining area o di kaya naman ay working area. Samantala sa gilid nito ay makikita ang mini kitchen na kumpleto rin sa mga electric appliances tulad ng oven toaster, coffee maker at refrigerator.

Source: Kim Chui Youtube

Syempre hindi mawawala ang bathroom area na kahit maliit lang ay nakahiwalay ang shower area at ang palikuran na kumpleto rin sa mga kagamitan. Mayroon din ditong whole body mirror na gustong-gusto ni Kim ang design. Sa likod na bahagi naman ay makikita ang unang bedroom at mayroon itong sariling TV at mga cabinets na pwedeng paglagyan ng damit at iba pang gamit.

Source: Kim Chui Youtube

Samantala, sa itaas na bahagi ng nasabing tiny house ay makikita ang ikalawang bedrooom at para makarating dito ay kailangan mong umakyat sa hagdan na nakadikit sa pader. Ito ang magiging higaan ni Kim sa loob ng ilang araw at mukhang na enjoy niya ang mini bed dahil malamig sa area nito at talagang cozy sa pakiramdam.

Recommended nga ni Kim Chiu ang pag-rent ng mga tiny house dahil maliban sa kakaibang experience ay sulit din ito sa budget.


No comments