Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Sam Pinto, Naghanda Ng Engrandeng Boho & Rainbow Themed Birthday Party Para Kay Baby Mia

All out ang ginawang paghahanda ng first-time parent na sina Sam Pinto at Anthony Semerad para sa kanilang cute little princess na si baby Mia Aya. At dahil nga in-love ang aktres sa mga “boho” decorations, ito ang naisip niyang theme para sa first-ever birthday party ng kaniyang “little one”.

Source: Sam Pinto Instagram

Magmula nga sa mga decorations at food preparations ay hands-on si Sam at siya rin mismo ang namili ng mga coordinators at designers na magsasakatuparan sa kaniyang dream party para sa anak.

Sa tulong ng Kim Torres Events ay nagmistulang magical ang events place na matatagpuan sa Alta Guia,Taguig City at talaga namang natuwa ang aktres sa kinalabasan ng mga decorations. Nariyan ang halos di mabilang na mga balloons at pati ang cake ni baby Mia ay naayon din sa tema ng nasabing party.

Source: Sam Pinto Instagram

Dumalo sa event ang malalapit na pamilya at kaibigan nina Sam at Anthony kasama ang kanilang mga anak. Naroon din ang sister-in-law ni Sam na si Gwen Zamora at asawa nitong si David na kapatid ni Anthony.

Source: Sam Pinto Instagram

“Thank you to everyone who came, greeted, and enjoyed! We appreciate every single one of you! Might not have a photo with some of you guys but do know that your presence was all we needed.”, pagpapasalamat ng aktres sa pamamagitan ng isang social media post.

Source: Sam Pinto Instagram

Maliban naman sa magagandang dekorasyon at masasarap na pagkain ay siniguro ni Sam na mayroon silang giveaways at souvenirs para sa mga bisita. Nagpagawa siya ng rainbow keychain at rainbow pillow na talaga namang ikinatuwa ng mga bisita dahil super cute nito at magagamit ng matagalan.

Samantala, enjoy na enjoy naman si baby Mia sa kaniyang birthday party dahil naroon ang karamihan sa kaniyang mga pinsan at kaibigan na all-out ang energy sa paglalaro. Nag-rent din kasi ang aktres ng mini-play area kung saan pwedeng maglaro ang mga bata at magbonding pagkatapos kumain.

Source: Sam Pinto Instagram

“This magical boho rainbow party is probably the most Bongga party that I’ve ever done. Lol. THANK YOU SO MUCH all who made it possible.”, dadag pa ni Sam.


No comments