Breaking News

Elisse Joson Ibinahagi Kung Paano Kinakaya Ang Pagiging Artista, Mommy At Estudyante

Inspirasyon ngayon para sa mga kababaihan ang aktres na si Elisse Joson dahil na rin sa pagkakaroon niya ng #familygoals kasama ang kaniyang ka-love team at real-life partner na si McCoy De Leon. Mas lalo pa nga siyang sinubaybayan ng mga netizens nang isilang niya ang napaka-cute na si baby Felize.

Source: Elisse Joson Instagram

Samantala, marami ang humanga sa aktres dahil nakakaya niyang pagsabayin ang mga responsibilidad na meron siya bilang isang artista at Mommy. Hindi pa nga dito natatapos ang trabaho ni Elisse dahil kailangan niya ring maglaan ng oras para sa kaniyang online class!

Source: Elisse Joson Instagram

Sa ibinahagi nitong Instagram post ay makikitang abala siya sa pakikinig sa kaniyang professor at kapag naman break time ay nakikipaglaro siya sa kay baby Felize.

“Online class resumes…”, caption ng aktres.

Source: Elisse Joson Instagram

Samantala, aminado si Elisse na hindi talaga madali ang ganitong setup at kagaya ng ibang Mommy’s minsan ay mayroon siyang kailangang i-sacrifice para magampanan ang iba pang trabaho. May mga pagkakataon nga na absent siya sa klase dahil kailangan niyang mag-attend ng mga events o di kaya naman ay paglaanan ng mas mahabang oras ang anak.

Source: Elisse Joson Instagram

Ganoon pa man, hindi nawawalan ng pag-asa ang aktres at alam niya na balang-araw ay magbubunga rin ang kaniyang mga sakripisyo. Lubos nga siyang nagpapasalamat sa kaniyang mga guro na maliban sa magagaling ay marunong ding umunawa sa kaniyang sitwasyon.

“I just want to thank my professors, Ms. Lalie and Sir Ruel, for being so understanding and being persistent with me. It helps to have your teachers cheer you on. Konti konti pero matatapos din.”, kwento pa niya.

Source: Elisse Joson Instagram

Sa ngayon ay wala pang nababanggit si Elisse sa kurso na kaniyang pinag-aaralan pero sa mga nakaraang interview ay gusto niyang sundan ang yapak ng kaniyang ina na isang anesthesiologist at balak ngang i-pusue ang medicine. Samantala, matatandan naman na nag-aral na siya noon ng Fashion Design and Merchandising sa De La Salle College of St. Benilde.

Talaga namang mayroong “super powers” ang mga kababaihan at kayang-kaya nga nilang mag-multitask kung kinakailangan para maisakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay.


No comments