Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamaraming Koleksyon Ng Hermes Bags!
Marami sa mga kababaihan ang nahihilig sa pagkolekta ng mga fashion items kagaya nalang ng bag. Ang ilan sa kanila ay talagang ginagamit ang mga ito samantalang ang iba naman ay kontento ng makita ito sa cabinet at naka-display. Ang mga bags na ito ay hindi biro ang presyo at minsan nga ay mahirap pang hanapin sa kahit anumang tindahan.
Isa na dito ang bag na Hermes, ang isa sa mga brand na pinakamahal at popular sa buong mundo. Ilan sa mga Pinay celebrities na mayroong ganitong klase ng bag ay si Jinky Pacquio at Heart Evangelista. Mahigit nga sa isa ang kanilang pagmamay-aring Hermes bag at talaga namang magaganda ang disenyo nito.
Ngunit kilala niyo ba kung sino ang babaeng may hawak ng record na mayroong pinakamaraming koleksyon ng Hermes bags?
Siya ay walang iba kundi si Jamie Chua, isang stewardees ng Singapore airlines at ngayon ay isa na ring sikat na social media influencers. Nasusubaybayan ng kaniyang mga followers lalong-lalo na sa Instagram kung gaano siya kayaman at mayroong marangyang pamumuhay. Sa katunayan, sa loob ng kaniyang bahay ay mayroon siyang sariling palapag para sa kaniyang tinatawag na playgound, ang kaniyang walk-in closet.
Dito makikita ang kaniyang mga koleksyon kabilang na ang mga Hermes bag na nakadisplay sa isang malaking glass cabinet. Halos lahat ng klase ng Hermes bag ay makikita mo dito simula sa maliit, malaki, sling bag, handbag at kung anu-ano pa. Mayroon din siya ng halos lahat ng kulay ng mga bags na ginagamit niya sa iba’t ibang okasyon.
Kung bibilangin ang lahat ng nasabing mamahaling bag ay aabot ito sa mahit 200 pieces. Sa sobrang dami nga ng kaniyang koleksyon ay nagmukha ng mall ang kaniyang closet. Kaya naman hind nakakapagtaka na hirangin siya bilang “the woman who owns the largest collection of Hermes bags in the world”.
Samantala, maliban sa nagagandahan talaga si Jamie sa disenyo at kaledad ng mga hermes bags. Natutuwa din ito dahil bagay na bagay ito sa kaniyang lifestyle at sa tuwing bumibili siya ng isang piraso ay talaga namang iba ang kaniyang nararamdamang saya.
“For me, it wasn’t about what it symbolized but truly how user-friendly Hermès bags were.”, banggit ni Jamie sa isang interview.
No comments