Kilalanin Ang Estudyanteng Tak0t Sa Math Pero Top 6 Sa Exam For Civil Engineers!
Bawat estudyante ay may kani-kaniyang hilig na subject sa paaralan at dito nga nila mas naipapakita ang angking galing at talento. Ang ilan ay mahilig sa English, Science at Arts ngunit bibihira lang ang mga estudyante na talagang love na love ang Math.
Aminado sila na hindi ito madaling subject lalo na kung kumplikado na ang mga numero. Ngunit mahalaga na pag-aralan ang Mathematics dahil isa ito sa madalas nating ginagawa sa araw-araw.
Kaugnay nito, isang lalaki ang naging viral matapos niyang aminin na hindi siya mahilig sa Math pero nakuha pang maging Top 6 sa exam for Civil Engineers!
Nakilala siya bilang si Angelo Hinayas Sigue, 23-years-old at tubong Lapu-Lapu City. Nakakuha siya ng total average na 92.60 sa katatapos lang na May 2022 Civil Engineering Licensure Examination.
Dahil sa nasabing achievements, naipaskil ang kaniyang kwento sa SunStar Cebu noong May 14 at doon ibinahagi ni Angelo ang mga pinagdaanan niya bago makamit ang tagumpay.
Ayon sa binata, noon ay hindi niya pinangarap na maging engineer dahil tak0t siya sa subject na Mathematics pero nang makapasa at maging Top 9 ang kaniyang kapatid na si Ramel noong 2015 Civil Engineering Licensure Examination ay naging interesado ito na sumubok.
Nag-focus si Angelo sa pag-aaral at inalis ang takot sa Mathematics sa pamamagitan ng pagsali pa sa mga contests na may kinalaman dito. Mas lalo niyang pinagbuti ang sarili at sa kalaunan nga ay natutunan ng maunawan at mahalin ang dating kinakat@kutang subject.
“Keep the fire burning and always hit the nail on its head. When the time is right, it will be given to you. Just keep praying and always do your best.”, payo ni Angelo sa mga kabataan na mayroong pangarap.
Talaga namang imposible kung iyong pagsusumikapan ang isang bagay. Tulad nalang ni Angelo na noon ay takot sa mga numero ngunit ngayon ay magtatrabaho na ito ang laging kasa-kasama.
No comments