Breaking News

After 15 years, Lorin At Venice Nakipagkita Sa Kanilang Ama Na Si Ylmas Bektas Sa Turkey

Kahit anuman man ang mangyari sa ating pamilya at magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan, sa huli ay tiyak na magkakaroon ng pagbabati at mas mananaig pa rin ang pagmamahalan. Sabi nga nila mas matindi ang lukso ng dugo kaysa sa anumang bagay. Ganito nga ang nangyari sa mga anak ni Ylmas Bektas na sina Lorin at Venice.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

Sa loob ng mahabang panahon ay hindi nakasama ng magkapatid ang kanilang ama na nakatira sa ibang bansa at habang lumalaki sa Pilipinas ay tanging ang ina nilang si Ruffa Gutierrez ang nakasubaybay sa kanilang paglaki.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

Matatandaan na noon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dating mag-partner kaya naman naging dahilan din ito para hindi makita ng mga bata ang kanilang ama. Ngunit sa paglipas nga ng panahon ay humilom na rin ang mga sugat at noong nakaraan lang ay masayang ibinahagi ni Ruffa ang naging pagkikita ng kaniyag mag-ama.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters.”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

Makikita sa short video clip na lumuwas ng bansa ang magkapatid na Lorin at Venice at nagtungo ang mga ito sa Istanbul Turkey. Super excited ang dalawa dahil matagal na panahon rin silang nawalay sa ama at talaga namang nananabik ng mayakap ito. Samantala, habang nakatalikod ang magkapatid ay unti-unti namang lumalapit sa kanila si Ylmas at agad ngang niyakap ang mga anak.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

Isa itong napakagandang tagpo at marami ang mga netizens na naiyak at talaga namang natuwa para sa mag-ama.

“A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart.”, dagdag pa ng aktres.

Source: Ruffa Gutierrez Instagram

Samantala, nakita rin nina Lorin at Venice ang kapatid nila sa ama na si Ilknaz Bektas at masaya silang nag-bonding kasama ang kanilang ama.

Ayon naman sa isang fan, talaga namang napakasarap mabuhay kapag wala tayong kaaway at masayang-masaya ang mga tagasuporta ni Ruffa dahil sa ngayon ay maayos na ang relasyon nila ni Ylmas.


No comments