Breaking News

Andi Eigenmann Masayang Nagbakasyon Sa Bali,Indonesia Kasama Ang Buong Pamilya

Makalipas ang matagal na panahong paghahanda at mga @berya, sa wakas ay naisakatuparan na rin ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang pangarap na mamasyal sa ibang bansa kasama ang buo niyang pamilya.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Sa kaniyang Instagram stories ay makikitang kasama ng dating aktres ang partner na si Philmar Alipayo at ang tatlo nilang anak na sina Eli, Lilo at Koa. Nasa airport pa lang ay kitang-kita na sa buong pamilya na excited sila sa kanilang pupuntahan lalo na at doon ay mayroon ding napakagandang beach.

Source: Andi Eigenmann Instagram

“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family.”, pagbabahagi ng aktres.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Ayon kay Andi, matagal na nilang plano na magkaroon ng adventure abroad ngunit dahil nagkaroon nga ng pand3mic at kamakailan lang ay nagkasakit din ang kaniyang mga anak kaya naman naurong ng naurong ang noon pa nilang plano ni Philmar. Ganoon pa man, masaya ang dating aktres dahil tila ba nakiayon na rin ang panahon at naging maganda nga ang byahe nila papunta sa Bali, Indonesia.

Source: Andi Eigenmann Instagram

“With the pandemic and money-saving, it sure feels so much sweeter to finally be here!”,” dagdag pa nito.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga bata sa napiling villa ni Andi dahil presko ito at napapaligiran ng mga halaman. Syempre hindi rin mawawala ang paborito nilang swimming pool.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Dito na rin ipinagdiwang ng aktres ang kaniyang 32nd birthday at abot-langit ang pasasalamat nito dahil nakasama niya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Masaya si Andi dahil unti-unti niyang naisasakatuparan ang buhay na noon pa man ay kaniyang hinahangad, simply at malayo sa ingay ng showbiz.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Matagal ng naninirahan sa isla ng Siargao ang tinatawag ngayon sa social media na “Island Family” at doon na rin sila nagtayo ng negosyo. Marami nga ang hanga sa relasyon nina Andi at Philmar lalo na sa kung papaano nila inaalagaan at dinidisiplina ang kanilang mga anak.


No comments