Breaking News

Aktres Na Si Andrea Brillantes, Inamin Na Mayroon Siyang An0smi@ Kaya Wala Siyang Pangamoy!

Hindi maikakaila na isa si Andrea Brillantes sa mga hinahangaan ngayong young actress hindi lang dahil sa angkin niyang galing sa pag-arte at magandang mukha kundi dahil sa iba pa niyang talento tulad ng pagsayaw at pagkanta. Kilala rin siya bilang social media influencer at sikat nga sa paggawa ng mga content sa TikTok at Youtube.

Source: Andrea Brillantes Instagram

Bata pa lang ay sumabak na si Andrea sa entertainment industry at halos kilala na nga siya ng mga tao lalong-lalo na ng kaniyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kaniya. Sa katunayan, open ang aktres sa publiko at matapang nitong ibinabahagi ang kaniyang kwento at buong pagkatao.

Source: Andrea Brillantes Instagram

Samantala, kakaunti lang ang nakakaalam na mayroon palang pinagdadaanang medical condition ang aktres at ito ay tinatawag na “C0ngenit@l An0smia” sa medical term o ang kawalan ng kakayanan ng isang tao na maka-amoy.

“Wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy.”, pagbabahagi ni Andrea sa isang panayam sa kaniya ni ng broadcaster na si Karen Davila.

Source: Andrea Brillantes Instagram

Bata pa lang ay ganito na ang kalagayan ng aktres kaya naman simula maliit ay hindi niya alam ang amoy ng mga bagay kung ito ba ay mabaho o mabango. Noong una, hindi pa alam ni Andrea ang kaniyang sitwasyon hanggang sa habang lumalaki, napapansin niya na mayroon ngang kakaiba sa kaniya kumpara sa kaniyang mga kapatid.

“As in puwede po akong ututan sa mukha, kasi inututan ako ni daddy dati.Silang lahat, hinintay nila ang reaction ko. Doon ko na-realize, hala, may mali ba sa akin?.”, natatawang kwento ng batang aktres.

Source: Andrea Brillantes Instagram

Ganoon pa man, mahilig pa din si Andrea sa pabango at sa tulong ng kaniyang Ate ay nakakapili siya ng pabango na gusto niyang gamitin. Isa nga ito sa mga naging koleksyon niya simula noong magkaroon na siya ng trabaho.

“Mahilig po ako sa pabango actually, yung ate ko, yung jowa ko, sila yung pinapaamoy ko, ‘ano’ng amoy neto explain mo.” dagdag pa ni Andrea.

Source: Andrea Brillantes Instagram

Samantala, wala namang naging problema sa panlasa ng aktres at sa katunayan paboritong-paborito niya ang pagkain. Pero ayon sa pagsusuri, na-diagnose na mayroon pa ring kulang sa kaniyang taste buds kaya mahilig siya sa sobrang maalat, matamis at maasim na mga pagkain.


No comments