Breaking News

Bella Padilla Masayang Ibinahagi Na 1 Year Na Siyang Naninirahan Sa Europa!

Unti-unti ng nakakamit ng aktres at direktor na si Bella Padilla ang kaniyang mga pangarap na noon ay iniisip niya lang habang nasa set ng taping. Ito ay matapos niyang magdesisyon na lumuwas ng bansa at lumipad papuntang London noong September 2021.

Source: Bela Padilla Instagram

Matagal ng plano ng aktres na masubukang manirahan sa isang banyagang bansa kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay agad siyang bumiyahe patungo sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Aminado ang aktres na hindi naging madali ang lahat lalo na at iiwanan niya ang comfort zone niya dito sa Pilipinas lalo na ang entertainment industry na napamahal na sa kaniya. Ganoon pa man, mas nanaig kay Bella ang hangarin na makita ang mundo sa ibang pananaw at naniniwala siya na malaki ang maitutulong nito sa pagdiskubre niya sa kaniyang sarili.

Source: Bela Padilla Instagram

“This time last year, I left my comfort zone. I flew to Europe with the intention of living in London by September 2021. And I did it.”, caption nito sa ibinahaging Instagram update.

Muling bumalik ang aktres sa Zurich, Switzerland at nabanggit na ngayon ay nasasanay na rin siya sa malamig na klima ng lugar. Samantala, marami naman ang nagtatanong kung ano ang mga pinagkakaabalahan ng aktres habang naninirahan sa Europa.

Source: Bela Padilla Instagram

“When I’m asked what I do for a living, I often joke that I’m jobless or that I’m on a sabb@tical.”, sagot ni Bella.

Sa kabila ng kaniyang pag-i-enjoy sa pamamasyal ay sinisigurado ng aktres na hindi nasasayang ang kaniyang oras at mayroon pa rin siyang mga bagay na natututunan. Sa katunayan, mayroon siyang itinayong negosyo kasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan at sa ngayon ay maayos ang nagiging takbo nito.

Source: Bela Padilla Instagram

“I wrote two scripts that are now in preproduction, invested in things and people I believe in, started a business (@amberandaqua) with my friend, met amazing people who do what they love.”, masaya niyang kwento.

Talaga namang Bella Padilla is “living her dream” sa Europa at tila ba mas lalo pang naging exciting ang kaniyang buhay ngayon dahil sa magandang relasyon niya sa banyagang boyfriend na si Norman Ben Bay.


No comments