Breaking News

Aktres Na Si Gladys Reyes, Mala-Debut Ang Naging 45th Birthday Celebration

Isang malaking biyaya na maituturing sa tuwing tayo ay nagdiriwang ng ating kaarawan at malakas pa ang ating mga pangangatawan. Kaya naman, malaki man o maliit ay talagang gumagawa tayo ng paraan para magkaroon ng selebrasyon kasama ang mga mahal natin sa buhay at kaibigan.

Source: Gladys Reyes Instagram

Ang iba, lalo na at may kakayanan ay ginagawa ang lahat para maging memorable ang pagdiriwang ng kanilang birthday tulad nalang ng aktres na si Gladys Reyes.

Source: Gladys Reyes Instagram

Kakaiba ang naging celebration ng 45th birthday ng aktres dahil naging mala-debut ito at kabog na kabog ang pa-concert at live band. Ginanap ito sa isang events place sa Marikina City noong June 23 at talaga namang dinaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan lalo na sa showbiz industry.

Source: Gladys Reyes Instagram

Samantala, looking young ang aktres sa kaniyang pink gown at lahat ng mata ay sa kaniya nakatingin habang dahan-dahan itong bumababa sa hagdan. Sa dulo naman ay nakaabang ang kaniyang asawa na si Christopher Roxas at may dala-dala itong bouquet of roses and chocolates.

Source: Gladys Reyes Instagram

Napuno ng tawanan at kasiyahan ang event na tinawag nilang “Gladys Night” dahil na rin sa mga sinabi ng kwelang aktres sa kaniyang welcome remarks para sa mga bisita. Nagbiro ito na hindi naging masaya ang kaniyang debut noon kaya naman bumawi siya ngayon.

Source: Gladys Reyes Instagram

“Ngayon ako bumabawi. Kasi, kelan pa, di ba?! Pag singkuwenta na, pag ano na, di ba? Tsaka sa isip ko, since bisita lang kayo, wala kayong magagawa.”, nakatawang pahayag ni Gladys.

Source: Gladys Reyes Instagram

Present sa event ang long-time bestfriend ng aktres na si Carmi Martin at naghandog nga ito ng isang kanta para sa mga bisita. Samantala, tatlong cake naman ang hinipan ni Gladys kasama ang kaniyang asawa at apat na anak.

Isang masaya at memorableng gabi ang nangyari at tuwang-tuwa ang aktres dahil naisakatuparan ang kaniyang hiling na makita ng face-to-face ang kaniyang mga kaibigan at makausap ang mga ito ng harapan.

Source: Gladys Reyes Instagram

“Na-miss ko kayo! Lahat ng nandito, lahat ng mga inimbita ko na nandito ngayon, miss ko yung face-to-face na kuwentuhan.”, dagdag pa nito.

Sa huli ay pinasalamatan din ni Gladys ang lahat ng bumati at dumalo sa kaniyang espesyal na araw.


No comments