“The Best Ate” Sarah Lahbati May Sweet Birthday Message Para Kay Ruffa Gutierrez
Karamihan sa atin ay mayroong mga sinusubaybayang artista na talaga namang malaki ang nagiging epekto sa atin. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa atin hindi lang pagdating sa kanilang mga istilo ng pananalita at pananamit kundi pati na rin sa kanilang pag-uugali.
Isa sa mga sinusubaybayan ng ating mga kababayan ay ang artista at dating beauty queen na si Ms.Ruffa Gutierrez. Nanggaling siya sa isang pamilya na talaga namang kilala sa larangan ng entertainment industry at bata pa lang ay sumabak na rin sa pag-aartista. Ganoon din ang nangyari sa iba pa niyang mga kapatid na si Raymond at Richard.
Samantala, marami ang nakapansin na sobrang malapit si Ruffa kay Sarah Lahbati, ang asawa ni Richard Gutierrez. Parang kapatid na nga ang turing niya dito at sa kanilang social media accounts ay makikitang madalas silang magbonding at sabay na namamasyal sa magagandang lugar.
Ayon nga kay Sarah, si Ruffa ang isa sa mga itinuturing niyang ate na talaga namang napakaganda ng ugali at talagang maalalahanin at mapagmahal.
Kaya naman hindi na pinalagpas ni Sarah ang pagkakataon at agad itong nag-post sa social media ng kaniyang pagbati sa kaarawan ng aktres.
“Happy birthday, ate Ruffa. You are the best ate anyone could ask for”, caption nito sa larawan nila ni Ruffa na mukhang kuha sa isang restaurant.
Sa ibang mga larawan naman ay makikitang magkasamang nagi-enjoy ang dalawa sa isang yate. Masasabi ngang malalim na ang pinagsamahan nina Sarah at Ruffa at tila ba magkasundo sila sa halos lahat ng bagay.
“You are the sweetest, kindest, and most thoughtful person. Truly beautiful inside and out.” dagdag pa ng young aktres.
Sa ngayon ay 48-years-old na ri Ruffa at lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng kaniyang mga blessings lalong-lalo na sa kaniyang pamilya at dalawang anak na sina Lorin at Venice.
Sa katunayan, tila ba sinagot ang kaniyang mga panalangin dahil sa wakas, makalipas ang 15 years ay muli ng makikita ng mga anak ang ama nila sa Turkey na si Ylmas Bektas.
No comments