Erich Gonzales, Proud Sa First Harvest Ng Kanyang Indoor Garden
Marami ang nawiwili ngayon sa pagtatanim ng mga halaman at simula nga noong nagkaroon ng pand3mic ay isa ito sa mga pinagkakaabalahan ng karamihan sa ating mga kababayan.
Maliban kasi sa nakaka-relax ang pagtatanim ay pinagkakakitaan din ito ng ilang netizens. Samantala, ang ilan naman sa halip na mga bulaklak at palamuting halaman ay gumawa sila ng sariling hardin sa loob ng kanilang bakuran.
Isa na nga dito ang aktres na si Erich Gonzales na mahilig din sa mga halaman. Sa katunayan, ang maliit na espasyo sa labas ng kaniyang bahay ay nilagyan niya ng mga bulaklak at iba pang halaman na namumunga tulad nalang ng kalamansi na isa rin sa mga paborito niyang kainin.
Aliw na aliw naman ang mga netizens sa ibinahaging video ng aktres kung saan makikita na siya mismo ang nag-trim ng kanilang calamansi tree na ubod na ng taas at napakaraming bunga. Inipon niya ang lahat ng mga bunga mula sa pinutol na sanga at excited na sa paggawa ng calamansi juice. Nag-iisip din siya ng ibang lutuin na pwedeng paggamitan ng prutas na napitas.
Samantala, sunod namang pinutol ng aktres ang ilang sanga ng kanilang malunggay tree. Napakayabong nito at marami ang mga dahon. Talaga namang napakasustansiya ng mga pananim ni Erich dahil lahat ito ay organic at walang halong fertilizers.
Hindi rin nakalagpas ang saging na saba sa aktres at sakto nga na mayroon na itong mga hinog na bunga. Paborito itong merienda ni Erich at super happy siya dahil libre lang ito sa kanilang bakuran.
Dahil sa sobrang tuwa ay naisip ng aktres na magkaroon ng sariling farm at doon niya balak itanim ang lahat ng gusto niyang mga puno na namumunga at ilang pang halaman na masustansya.
Nagbiro pa nga ito na mag-comment sa kanyang vlog ang mga ahente ng lupa at baka sakaling balang-araw ay magdesisyon na siyang bumili ng farm.
Talaga namang nakakamangha ang mga artistang kagaya ni Erich na sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay nananatili pa ring simple at marunong makipag-kapwa tao.
No comments