Breaking News

Jodi Sta.Maria Nagdiwang Ng 40th Birthday Sa Europa

Walang kasing sarap ang mabuhay lalo na kung ramdam na ramdam mo ang pag-ibig ng mga taong mahalaga sa iyo. Mas lalo pa itong nagiging masaya kung sa bawat araw ay mayroon kang kasama na pwede mong ma-kwentuhan ng mga nangyayari sa buhay mo tulad na lang mga kaibigan, kasintahan o mismong pamilya natin.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Sila rin ang nagiging dahilan kung bakit masaya tayo sa tuwing nagdaraos ng ating kaarawan, maliban kasi sa panibagong buhay na ibinibigay sa atin ay nagpapasalamat din tayo dahil nariyan pa rin sila sa ating tabi. Kaya naman sila rin ang kasama natin sa ginagawa nating selebrasyon.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Ganito nga ang ginawa ng batikang aktres na si Jodi Sta. Maria. Para sa kaniyang 40th birthday ay nagdesisyon ang aktres na mamasyal at magrelax sa Europa kasama ang kaniyang poging anak na si Thirdy.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

“I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy.”, pagbabahagi ni Jodi sa Instagram.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho ay agad na nagtungo ang mag-ina sa airport at sinimulan ang kanilang adventures abroad. Wala silang sinayang na pagkakataon at nag-enjoy nga sa pamamasyal habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin at kilalang tourist spots sa lugar.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Samantala, binisita rin nila ang isang antique at kilalang simbahan ng St. Vitus Cathedral at sa bawat pamamasyal ay mayroon siyang mga napagtanto sa buhay.

“Had to learn and unlearn new things. Love and let go of situations and people. Ignore noises and live a life that’s empowering to me.”, dagdag pa ng aktres.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Super cute naman ang mag-ina sa isang Instagram picture kung saan makikitang nakasuot sila ng Dutch costume at masaya si Jodi dahil game na game si Thirdy sa mga gusto niyang gawin.

At para nga sa kaniyang mismong espesyal na araw noong June 16 nilibot ng aktres ang Prague, Czech Republic at talaga namang nag-enjoy sa maikling bakasyon niya sa Europa.

Source: Jodi Sta. Maria Instagram

Hindi naman nakalimutan ni Jodi na pasalamatan ang lahat ng taong bumati sa kanyang kaarawan lalong-lalo na ang mga fans na hanggang ngayon ay walang sawa pa rin sa pagsuporta sa kaniya.

“Maraming salamat sa lahat ng nakaalala at nagpadala ng mensahe ng pagmamahal.”


No comments