Breaking News

“She’s The One”, Gerald Anderson Nag-Request Sa Kaibigan Na Ibigay Ang Bridal Bouquet Kay Julia Barretto!

Napakasarap sa pakiramdam na makitang ikinakasal ang ating kaibigan sa taong kaniyang pinakamamahal at talaga namang alam natin na aalagaan siya at tutuparin ang mga ipinangakong salita sa harapan ng altar.

Source: Julia Barretto Instagram

Ganito ang nasaksihan nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos nilang dumalo sa garden wedding ng kaibigan nilang si Bianca Yanga at Joe Vargas.

Source: Julia Barretto Instagram

Ginanap ito sa Club Ananda na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas at kasama ang kanilang mga tropa ay super happy ang magkasintahan sa pag-iisang dibdib ng kanilang kaibigan.

Samantala, naging star-studded ang event dahil maliban kay Julia at Gerald ay naroon din ang mga kaibigan ni Joe na sina Marco Gumabao, Patrick Sugui, at Ryan Bang.

Source: Julia Barretto Instagram

Sa side naman ni Bianca ay hindi mawawala ang malalapit niyang girlfriends na sina Magui Ford, Ria Atayde, Gabbi Garcia, Chie Filomeno, at Aeriel Garcia.

Source: Julia Barretto Instagram

Masayang natapos ang seremonya ng kasal at oras na para sa pagsalo ng bridal bouquet. Marami ang naka-abang kung sino sa mga bridesmaid ang makakasalo ng bulaklak dahil na rin sa kasabihan at paniniwala na kung sino man ang makakakuha nito ay siya na rin ang susunod na ikakasal.

Nakapwesto na ang lahat at nakahanda na rin sa pagsalo ng bulaklak ngunit laking gulat nila nang biglang humarap si Bianca at naglakad papalapit kay Julia sabay abot dito ng hawak niyang bridal bouquet!

Source : ABS-CBN

Kinilig ang ilan pa sa mga kaibigan ng newly-wed samantalang si Julia ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Si Gerald naman ay nakangiti sa malayo habang pinagmamasdan ang reaksyon ng aktres. Maging ang mga fans ng dalawa ay kilig na kilig sa sorpresa ng aktor at marami nga ang nagtatanong kung si Julia na ba ang “the one” para kay Gerald.

Source : ABS-CBN

Samantala, sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Gerald patungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon ni Julia ngunit sa kaniyang mga interview ay proud niyang sinasabi na happy sila ng aktres at madalas ngang sumagot ng “Yes” sa tuwing tinatanong kung si Julia na ba ang kaniyang makakatuluyan hanggang huli.


No comments