Breaking News

“Blooming Preggy” Angelica Panganiban Ibinahagi Ang Ilang Larawan Ng Kaniyang Baby Bump

Walang mapaglagyan ang saya ng aktres at komedyanteng si Angelica Panganiban dahil sa mga biyaya na kaniyang nararanasan ngayon. Para ngang ibinigay na sa kaniya ng tadhana ang lahat dahil matapos mahanap si Mr.Right ay nagdadalantao naman siya ngayon sa kanilang first baby!

Source: Angelica Panganiban Instagram

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako!,” excited na pagkukwento ng aktres.

Source: Angelica Panganiban Instagram

Halos lahat nga ng role sa pelikula ay nagampanan na ni Angelica at bilang babae, isa sa mga pangarap niya ay ang maranasan kung papaano maging isang ina. Kaya naman ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay mas lalo itong naging maingat sa kaniyang sarili.

Samantala, all-out support naman sa kaniya ang partner na si Gregg Homan at sa katunayan, madalas silang mamasyal at gumawa ng memories together habang pwede pang mag-travel si Ange.

Source: Angelica Panganiban Instagram

Noong nakaraang buwan lang ay nasa isang beach trip ang dalawa at very proud nga ang aktres na ipakita sa mga netizens ang kaniyang baby bump na tinawag nilang “babymoon”. Suot niya ang blue bikini top at sarong na talaga namang bagay na bagay sa kaniya. Madalas namang mag-date ang dalawa at hindi nga mapigilan ni Gregg na magpasalamat sa Universe dahil sa nararanasan nilang kaligayahan ni Ange.

Source: Angelica Panganiban Instagram

“Nothing but joy, thank you, universe!”, caption nito sa larawan nila ng aktres.

Samantala, naging viral naman ang ilan sa mga larawan ni Angelica kung saan makikita na wala siyang make-up habang ipinapakita ang kaniyang baby bump. Marami ang nakapansin na kahit buntis ay blooming na blooming pa rin ang aktres at tila ba mas lalo pa itong gumaganda habang papalapit ang araw ng pagsilang niya sa anak nila ni Gregg.

“Ang gandang buntis naman niyan.”, komento ng isang netizen.

Source: Angelica Panganiban Instagram

Dahil dito ay marami rin ang nagsasabi na babae ang magiging anak ng aktres dahil napakaganda ng kaniyang mukha at maganda ang awra habang nagdadalantao. Ngunit sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon ang dalawa patungkol sa kasarian ng kanilang anak.


No comments