Breaking News

First Time! Kim Chiu Sinubukan Ang Wakeboarding Sa Palawan!

Kung adventures ang pag-uusapan ay tiyak na game na game diyan ang “Chinita Princess” na si Kim Chiu. Kilala nga ito ng publiko na walang inuurungang challenge at una niya itong pinatunayan noong pumasok siya sa bahay ni Kuya at na-survive ang mga hamon sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Source: Kim Chui Instagram

Aliw na aliw nga ang kaniyang mga fans sa lahat ng kaniyang mga sinusubukang adventures kaya naman nakatutok ang mga ito sa bago niyang updates sa Instagram at Youtube channel.

Samantala, kamakailan lang ay isa na namang challenge ang sinubukan ng aktres at ito ay ang sports na wakeboarding.

Source: Kim Chui Instagram

Nasa Coron, Palawan ang 32-year-old actress para ipagdiwang ang kaniyang kaarawan at sa maikling weekend getaway ay kasama niya ang kaniyang buong pamilya. Dito nga naisipan ni Kim na subukan ang wakeboarding kahit na wala siyang kaalam-alam sa sports at first time niya itong gagawin.

Source: Kim Chui Instagram

Aminado siya na nakaramdam siya ng takot ngunit mas nangibabaw sa kaniya ang kagustuhan na ma-experience kung ano ang pakiramdam na magpapahila sa speedboat at nakasakay lang sa isang maliit na board.

“Kinda sc@ry at first but that’s the thing with adventure there is self-fulfillment once you get to do the things you thought you can’t do. That’s the exciting part.”, pahayag ni Kim.

Source: Kim Chui Instagram

Nasubukan nga dito ang stamina at lakas ng mga tuhod ni Kim pati na rin ang kaniyang mga braso. Mabuti nalang at madalas din siyang magwork-out kaya naman ay napagtagumpayan niya ang kauna-unahang wakeboarding experience.

“SUPER FUN!”, dagdag pa ng aktres na talaga namang napapasigaw pa sa tuwa.

Source: Kim Chui Instagram

Halos taun-taon ay sinisigurado ni Kim na mayroon siyang nasusubukang bago sa kaniyang buhay. Ito man ay sa sports, pagkain, bagong lugar o kahit maliliit na experience lang. Para sa kaniya, “life is full of adventures” at mas masaya ang buhay kung lalabas tayo sa ating comfort zone at gagawa ng effort para sumubok ng mga bago.

Source: Kim Chui Instagram

Talaga namang na-enjoy ni Kim Chiu ang kaniyang 32nd birthday celebration at marami ang nag-aabang sa susunod niyang adventures.


No comments