Breaking News

Kilalanin Si Michelle Dee, Ang Anak Ng Dating Beauty Queen Miss Melanie Marquez

Isa na namang magandang mukha ang gumagawa ng pangalan ngayon sa larangan ng modeling. Isang dalaga na talaga namang mayroong passion sa kaniyang trabaho at nagagawa ng maayos ang lahat ng requirements sa kaniya. Siya ay walang iba kundi si Michelle Dee ang pinakabatang anak ng dating beauty queen na si Miss Melanie Marquez at dating businessman na si Derek Dee.

Source: Michelle Dee Instagram

Siya ngayon ang isa sa mga modelo ng Herbench at nagiging inspirasyon sa mga kababaihan.

Wala ngang duda na mayroon siyang natural na talento at kakayanan pagdating sa pagmomodelo lalo na at lumaki siyang nakikita kung papaano magtrabaho ang kaniyang mga magulang. Samantala, lubos na hinahangaan ngayon si Michelle dahil sa ganda ng hugis ng kaniyang mukha at sa kaniyang height na 5 feet at 10 inches.

Source: Michelle Dee Instagram

Balingkinitan din ang kaniyang pangangatawan kaya naman halos lahat ng damit na kaniyang sinusuot ay bagay na bagay sa kaniya at nadadala niya ng maayos.

Noon pa man ay pangarap na talaga ni Michelle na maging isang fashion model ngunit dahil sa kaniyang pagiging mahiyain ay hindi niya kaagad ito nagawa. Sa tulong ng kaniyang Mommy at mga kaibigan ay unti-unti nga siyang naniwala sa kaniyang kakayanan.

Source: Michelle Dee Instagram

Samantala, hindi naman napapabayaan ng dalaga ang kaniyang edukasyon at sa katunayan ay graduate siya ng Psychology sa De La Salle Univesity. Malaking tulong din ito para mas magkaroon siya ng confidence sa kaniyang sarili at natutunan na makipag-socialize.

Sa ngayon ay iba’t ibang proyekto na ang mga nagawa ni Michelle at marami na rin siyang nakikilalang tao sa industriya. Sa katunayan ang ilan dito ay mga kilala ring modelo sa loob at labas ng bansa.

Source: Michelle Dee Instagram

Samantala, dahil sa taglay niyang mga katangian ay marami rin ang nagsasabi na pwedeng-pwede siyang pumasok sa showbiz kagaya ng kaniyang Mommy Melanie. Ngunit sa ngayon ay mukhang wala pang interes ang dalaga at focus lang siya sa kaniyang hilig na pagmomodelo at iba pang plano sa buhay.


No comments