“Our Lucky Baby” Kryz Uy At Slater Young, Masayang Sinalubong Ang Kanilang Second Baby!
Abot-langit ang saya ngayon ng ex-PBB housemate na si Slater Young at modelong si Kryz Uy. Isinalang na kasi ang kanilang second baby at sa wakas ay magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang anak na si Scott.
Naging em0syunal nga ang dalawa nang una nilang masilayan ang mukha ng baby at talaga namang lahat ng hirap ay napalitan kaagad ng matinding kasiyahan lalo na at natupad ang kanilang mga dalangin.
“So happy to finally welcome Baby # 2 into the Skyfam. There were some complications in the end, but God is good and made sure we were all safe and sound.”, pagbabahagi ng second-time mommy.
Matatandaan na noong November 2021 ay ibinahagi ng mag-asawa ang magandang balitang ito sa kanilang mga fans at simula noon ay naghanda na sila sa pagdating ng kanilang little one. Ayon kay Kryz, kakaiba ang pagbubuntis niya ngayon kumpara sa kaniyang panganay na anak. Kung sakit nga ang pag-uusapan ay mas konti ang sakit na naramdaman niya ngayon.
Samantala, sa isang vlog ay ipinakita ni Kryz kung ano ang kaniyang mga pinagdaanan bago niya mailabas ang sanggol. Madaling araw pa lang ay nakakaramdam na siya ng contractions ngunit ayaw niyang mag-panic at nanatili lang na kalmado. Sa katunayan noong tumawag sila ng doctor ay pinapapunta na sila ng hospital ngunit naghintay pa ng kaunti ang mag-asawa.
Bandang 8:00 am na sila nakarating ng hospital at agad na isinugod sa emergency room. Nandoon din sa kwarto si Slater at hawak-hawak ang kamay ng misis para mapalakas pa lalo ang loob nito.
Naging maayos ang lahat at normal ang delivery ng sanggol. Super happy din si Kryz dahil nagbunga ang lahat ng kaniyang paghihirap at preparasyon para hindi ma-caesarean.
“I was working out . I really want this baby out na. Because it was so big and I was so scared na ma-CS.”, kwento pa ng vlogger.
Mas napaaga ang labor ni Kryz at inilabas niya ang second baby sa ika-37th week ng kaniyang pagbubuntis. Kaya naman tinawag nila itong “lucky baby” dahil sa kabila ng mga kumplikasyon ay nailabas ito ng ligtas at malusog.
No comments