Breaking News

Confirmed: Miles Ocampo At Award-Winning Actor Na Si Elijah Canlas In A Relationship Na!

Marami ang nakakapansin sa magandang awra ng aktres na si Miles Ocampo at makikita nga sa kaniyang Instagram posts na tila ba mayroong special someone na nagpapasaya sa kaniya. Dahil dito ay hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay siya sa kaibigang si Elijah Canlas. Madalas kasing magkasama ang dalawa at sa bawat bonding nila ay talaga namang makikita na enjoy sila sa isa’t isa.

Source: Miles Ocampo Instagram

Samantala, ang mga espekulasyon ng mga netizens ay nabigyang linaw dahil kamakailan lang ay umamin na ang award-winning actor na si Elijah.

“Opo kami na. I mean she’s the best. We’re in good place, we’re very happy.” sagot ng aktor sa isang panayam niya kay Ogie Diaz.

Source: Facebook

Abala ngayon ang aktor sa paggawa nila ng pelikulang “Gameboys” at dito nga niya mas naipakita ang angking galing sa pag-arte. Kasama niya sa nasabing proyekto ang kaibigan at aktor na si Kokoy de Santos.

“Parang first time ko yata umamin.”, natatawa pa nitong dagdag.

Source: Miles Ocampo Instagram

Halos isang taon na rin ang kanilang relastionship at ngayon lang nila ito inamin sa publiko dahil para kay Elijah gusto muna nilang ma-enjoy ang moment na sila lang ang nakaka-alam.

“It’s my life, it’s our lives. We don’t have to share everything that we do or paano kami nagsimula (how our relationship started) or whatever. I think the fans and our supporters would also appreciate the fact that we’re happy and we’re really in a good place.”, dagdag pa ng aktor.

Source: Elijah Canlas Instagram

Mas nakilala niya nga ang aktres offcam at marami silang bagay na magkaperahas kaya naman habang tumatagal ay mas lalo pang nagiging matibay ang kanilang pagsasama. Nagkaroon na rin ng pagkakataon na makasama nila ang pamilya ng isa’t isa at masaya si Elijah dahil welcome siya sa family ng aktres.

Sa ngayon ay super happy ang kanilang mga fans at all-out support ang mga ito sa kanilang relationship.


No comments