Breaking News

Alfred Vargas, Ibinahagi Ang Cute Photos Ng Kaniyang Bunsong Anak Na Si Cristiano

Maliban sa pagkakaroon ng magandang estado sa showbiz career at magandang mukha, isa sa mga hinahangaan natin sa mga artista ay ang pagkakaroon nila ng magandang pag-uugali at pamilya.

Sa katunayan, natutuwa tayong subaybayan ang buhay nila sa likod ng camera at minsan pa nga ay natututo tayo sa kanilang mga desisyon sa buhay. Katulad nalang ng pamilya ng aktor na si Alfred Vargas.

Source: Yasmine Espiritu Instagram

Matagal ding namayagpag ang showbiz career ni Alfred at marami siyang nagawang mga proyekto kasama ang mga batikang aktor sa showviz industry. Ngunit matapos magkaroon ng pamilya ay nagdesisyon itong mag-change career at pinasok ang mundo ng p0litika. Sa ganitong paraan ay mas nabibigyan niya ng panahon ang kaniyang mga mahal sa buhay at talaga namang naglalaan ng oras para sa kaniyang mga anak.

Source: Yasmine Espiritu Instagram

Isa ang pamilya ni Alfred sa hinahangaan ngayon ng mga netizens, paano naman kasi ang ganda ng kaniyang asawa na si Yasmine Espiritu at sobrang maalaga pa sa kanilang tatlong anak na sina Alexandra, Aryana at Cristiano.

Samantala, agaw pansin ang bunsong anak nila at nagiisang lalaki na si Cristiano dahil sa kaniyang pagiging cute.

Source: Yasmine Espiritu Instagram

Sa murang edad pa lang ay marami na siyang fans at mas lalo pang pinagkaguluh@n ng mga netizens simula ng ibahagi ni ng kaniyang mga magulang ang larawan nito sa social media. Suot ni Cristiano ang barong tagalog at talaga namang pogi ang dating nito kagaya ng kaniyang Daddy Alfred.

“Bunso ko ang laki laki mo na.”, caption ni Yasmine sa larawan ng anak.

Source: Yasmine Espiritu Instagram

Halos hindi makapaniwala ang mag-asawa na malalaki na ang kanilang mga anak at sa loob nga ng mahigit sampung taon ng kanilang pagsasama ay mas lalong tumibay ang kanilang relasyon dahil na rin sa mga bata.

Samantala, bilang isang ina ay nakikita ni Yasmine ang pagkakaiba-iba ng tatlo nilang anak at ang masasabi niya ay napaka-sweet ni Cristiano lalo na sa kaniyang dalawang ate. Ito rin ang nagbibigay kulay sa kanilang bahay dahil madalas ay makulit at talaga namang punong-puno ng energy.

Source: Yasmine Espiritu Instagram

“..the ag@w-buhay pregnancy is all worth it..”, pagbabanggit pa ni Yasmine.

Sa tatlo niyang anak, mas mahirap ang pinagdaanan ni Mommy Yasmine noong pinagbubuntis niya si Cristiano kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil naging maayos ang kaniyang delivery at ngayon nga ay super happy ang kanilang pamilya.


No comments