Breaking News

“Higit Pang Tumama Sa Lotto” Pinay Nanny Proud Sa Anak Na Nagtapos Sa Harvard!

Kilala ang Harvard University bilang isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo. Sa katunayan, karamihan sa mga presidente at kilalang personalidad ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa nasabing lugar.

Mataas ang kalidad ng edukasyon sa Harvard kaya naman hindi nakakapagtaka na maging dream school ito ng karamihan. Ngunit dahil may kamahalan ang tuition fee dito, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapasok.

Source: ABS-CBN

Sa kabutihang palad mayroong mga scholarship offers ang Harvard at ito nga ang pinagtutuunan ng pansin ng ating mga kababayan tulad nalang ng estudyante na si Maria de Leon.

Tampok ang kaniyang kwento ngayon sa social media dahil sa kaniyang pagsusumikap ay nabigyan niya ng kakaibang kaligayahan ang mga magulang lalong-lalo na ang kaniyang ina na si Jojit de Leon.

Source: ABS-CBN

“Para akong higit pang tumama sa lotto.”, sambit ng ina sa isang panayam sa kaniya.

Proud na proud si Jojit sa anak at bilang isang magulang ay isa rin itong accomplishment para sa kanila ng kaniyang asawa. Masaya siya dahil maganda ang naging bunga ng pangungulila niya sa Amerika habang malayo sa pamilya at nagtatrabaho bilang waitress at Nanny naman kapag weekends.

Source: ABS-CBN

“Sa ating mga magulang, ang pinakagusto natin sa ating mga anak ay makatapos ng pag-aaral.”, dagdag pa nito.

Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang magtapos si Maria ng kursong Bachelor of Arts in Molecular and Cellular Biology noong 2020. Halos hindi siya makapaniwala sa bilis ng panahon at sa wakas ay naisakatuparan na niya ang pangarap niya at ngayon nga ay plano ring kumuha ng kursong may kinalaman sa medisina sa Boston University.

Source: ABS-CBN

Samantala, bago matapos ang panayam ay nag-iwan ng isang mensahe si Maria sa mga kagaya niyang estudyante na nangangarap magkaroon ng edukasyon at makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad kagaya ng Harvard.

“Just always try. Honestly, I know there are hardships that we can’t overcome. But if we keep trying and always fighting for what you want in life, something fruitful will always come out of it.”, pahayag ni Maria.

Talaga namang walang pangarap ang mahirap o impossible kung tayo ay punong-puno ng dedikasyon at sipag.


No comments