Tingnan Ang Transformation Ni Xia Vigor, Ang Dating Child Star Noon Na Dalaga Na Ngayon!
Naaalala niyo pa ba ang napaka-cute at bibong bata na si Xia? Isa siya sa mga kinagigiliwan ng mga viewers dahil maliban sa kaniyang napakagandang mukha ay nakaka-aliw rin siyang panoorin at talaga namang nagtataglay ng maraming talento tulad ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte at kayang-kaya ring makipagsabayan sa mga batikang host.
Bata pa lang ay sumabak na siya sa entertainment industry at unang nakilala nang sumali sa segment ng “It’s Showtime” na “Mini Me”. Siya ang naging mini me ni Selena Gomez at dahil sa kaniyang angking galing ay siya rin ang hinirang na kauna-unahang Grand Winner ng nasabing talent show.
Ito ang naging simula ng kaniyang career bilang childstar at nabigyan nga ng iba’t ibang projects tulad nalang ng pagiging host kasama sina Vhong Navarro at Billy Crawford sa segment na “Xia with Kuys”.
Samantala, hindi lang sa showbiz kinilala ang batang aktres dahil marami rin ang humahanga sa kaniyang kagustuhan na makatulong sa kapwa niya bata. Sa murang edad ay hinirang siyang first Child Ambassador for Habitat for Humanity, WWF Youth Advocate.
Mayroon din siyang mga nakuhang awards sa kaniyang pagtatrabaho tulad na lang ng Most Popular Female Child Performer para sa ginanap na 48th, 50th at 51st GMMSF Box-Office Entertainment Awards.
Sa ngayon ay dalagita na si Xia at sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang larawan habang nagbabakasyon sa Boracay sakay ang sikat na sikat na crystal kayak. Pinasalamatan niya ang mga tao na bumati sa kaniyang kaarawan noong June 23 at marami nga ang namangha sa kaniyang naging transformation.
“Thank you to all those people who arranged everything for my birthday.”, bungad ng batang aktres.
Ganap na ngang teenager ang dating child star at magpapatuloy pa rin ito sa kaniyang career bilang artista. Sa katunayan, magiging parte siya ng bagong proyekto ng Viva na “The Wedding Dress” kasama si Phoebe Villamor.
No comments