Breaking News

“I Couldn’t Imagine A Life Without Him”, Alodia Gosiengfiao, Engaged Na Sa Kaniyang Non-Showbiz Boyfriend!

Para sa iba mas magiging matatag ang pagsasama bilang mag-asawa kung matagal na ang inyong relasyon bilang magkasintahan ngunit para naman sa ilan, hindi nasusukat ang tunay na pagmamahalan sa haba ng taon ng pagsasama dahil kapag dumating na ang “The One” tiyak na hindi na ito mapipigilan.

Kagaya nalang ng nangyari sa kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao. Marami ang nagulat sa paglabas ng balita at videos sa social media kung saan makikitang engaged na siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo, presidente at GM ng kanilang kompanya na Calabria Company Limited (Makers of Novellino Wines).

Source: Alodia Instagram

Mala-fairytale ang nangyaring engagement at akala noon ng aktres ay mamasyal lang sila sa isang napakagandang garden. Ngunit habang naglalakad ay napansin niya ang kakaibang setup ng lugar at nagkaroon na ng ideya na mayroong espesyal na mangyayari.

Source: Alodia Instagram

Tumigil sila sa gitna ng hardin at doon ay nag-umpisa na si Christopher sa kaniyang plano at maya-maya pa ay lumuhod na habang iniaabot sa kasintahan ang alay niyang engagement ring. Agad namang sumagot ng “Yes” si Alodia at doon na nagsimulang maglabasan ang kanilang mga pamilya na kanina pa pala nakatingin sa kanilang dalawa.

Source: Alodia Instagram

“I guess I couldn’t imagine a life without him,” she said. “Everything’s just falling into place na parang hindi siya pilit, hindi nira-rush or something, parang napakaganda lang. It’s very pure.”,pahayag ng aktres.

Hindi halos mkapaniwala si Alodia sa bilis ng pangyayari pero sa kaniyang puso ay alam niya na itinadhana siya para kay Christopher kaya nasabi nya na talagang “perfect fit” silang dalawa. Hindi maiiwasan na mayroon silang pakakaiba ngunit ang kagandahan nito ay naiintidahan nila ang isa’t isa.

Source: Alodia Instagram

Matatandaan na naging kontrobersyal noon ang hiwalayan ni Alodia at social media influencer na si Will Dasovich. Sa tagal nga ng kanilang relasyon ay marami ang hindi makapaniwalang nauwi pa ito sa paghihiwalay ng kanilang landas. Ngunit ganoon pa man, siniguro ng dalawa na maayos ulit ang kanilang relasyon at nagkasundo na manitili silang magkaibigan.

“For some it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”, dagdag pa ni Alodia.


No comments