Breaking News

Philmar Alipayo At Panganay Na Anak Na Si Kanoa, Muling Nagkita Sa France!

Walang makakapantay sa mga pagkakataong nakakasama natin ang ating mga mahal sa buhay kaya naman hangga’t maaari ay gumagawa tayo ng paraan para magkaroon ng quality time kasama sila. Ito nga ang hinahangad sa buhay ng professional surfer na si Philmar Alipayo na matagal ring nawalay sa kaniyang panganay na anak na si Kanoa.

Source: Philmar Alipayo Instagram

Nakatira ngayon si Philmar sa napakagandang isla ng Siargao kasama ang partner na si Andi Eigenmann at bumuo na rin sila ng sarili nilang pamilya. Sa katunayan, mukhang na-enjoy talaga ng dating aktres ang buhay sa isla at dito na rin sila nagpatayo ng sarili nilang bahay.

Samantala lubos naman silang hinahangaan ng mga netizens dahil sa kanilang modern-family set-up at nakakatuwang travel adventures na ibinabahagi nila sa kanilang Youtube channel na “Happy Islanders”.

Source: Philmar Alipayo Instagram

Kagaya nga ng dating aktres ay mayroon ding anak si Philmar sa dati niyang partner at ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang makita niya ito dahil ngayon ay nakatira na siya sa France kasama ang kaniyang Mommy. Sa kabila nito ay hindi naman nawalan ng komunikasyon ang mag-ama lalo na at nananatili naman silang magkaibigan ng dating patner.

Source: Philmar Alipayo Instagram

Madalas ngang makausap ni Philmar ang anak online ngunit iba pa rin ang pananabik niya na makita ito ng personal at mayakap ng mahigpit. Kaya naman noong nagkaroon ng pagkakataon ay hindi niya pinalagpas na mabisita ang anak na si Kanoa.

Sakto namang nasa Hendaye, France noon ang “Happy Islanders” para sa kanilang out of country adventure at napagkasunduan nga nila ni Andi na i-meet si Kanoa at ipakilala na rin sa kanilang mga anak na sina Lilo at Koa. Naging masaya ang tagpo ng magkakapatid at nakapaglaro pa sila ng sand castle kasama si Ellie Eigenmann.

Source: Philmar Alipayo Instagram

Samantala, nagkaroon namang ng solo-bonding experience ang mag-ama at makikitang masaya pero medyo nahihiya pa si Koa na kausap ang kaniyang Papa. Inihatid ni Philmar ang anak pauwi ng kanilang bahay at sa maikling panahon na nakasama niya ito ay talaga namang abot langit na ang kaniyang saya.


No comments