Breaking News

Kilalanin Ang Kauna-unahang Female Architect Sa Pilipinas Na Ngayon Ay Nagdiwang Din Ng Kaniyang 100th Birthday!

Isa ang pagiging architect sa talaga namang inaasam-asam na maging trabaho ng ilan sa mga kabataan ngayon. Maliban kasi sa in-demand ito ay malaki rin ang chance na makapagtrabaho ka abroad at makakuha ng malalaking kliyente.

Syempre hindi rin biro ang sahod ng mga architect lalo na kung malaking projects ang gagawin nila. Isa pang nakakatuwa sa trabahong ito ay pwedeng-pwede siyang gawin ng lalaki o kahit ng mga babae.

Source: Muntinlupa Public Information Office

Ngunit alam niyo ba na noon ay malaking issue sa lipuan kapag ang mga kababaihan ay nagtangkang maghanap ng ibang trabaho?

Nakasanayan kasi noon na ang mga babae ay dapat nasa loob lang ng bahay at inihahanda ang sarili para maging kaaya-aya at responsabling asawa at ina. Sa kabila ng mga ganitong pangyayari ay marami pa rin sa ating matatapang na kababaihan ang ipinaglaban ang kanilang karapatan at lubos na nagsumikap sa pag-aaral para makapatapos sa nais nilang kurso tulad nalang ni Aida Cruz Del Rosario.

Source: Muntinlupa Public Information Office

Hinirang siya bilang kauna-unahang lisenyadong arkitekto sa ating bansa. Nag-aral siya ng kursong may kinalaman sa Architecture sa Unibersidad ng Santo Tomas at dahil sa kaniyang pagpupursigi ay mabilis siyang nakapasa sa board exam.

Source: Muntinlupa Public Information Office

Agad namang nabigyan ng break ang angking talento ni Aida sa larangan na kaniyang napili at sa katunayan ay kinilala ang kaniyang pangalan hindi lang sa Luzon kundi umabot pa ito ng Mindanao!

Samantala, hindi lang siya dito hinangaan ng mga netizens dahil marami rin ang na-inspire sa kung papaano niya inaalagaan ang kaniyang sarili at ngayon nga ay umabot pa ng 100 years old.

Source: Muntinlupa Public Information Office

Alinsunod sa Centernarians Act ay nakatanggap siya ng 100,000 pesos at ito ay iginawad sa kaniya ng kanilang Mayor sa Muntinlupa na si Ruffy Biazon.

Talaga namang nakakabilib si Aida Cruz Del Rosario dahil muli niyang pinatunayan na walang pwedeng maging hadlang sa pag-abot ng ating pangarap kung tayo lang ay buong pusong naniniwala sa kaya nating magawa. Naging inspirasyon rin siya sa mga kabataan ngayon dahil ipinakita niya na tunay ngang “health is wealth”.


No comments