Breaking News

Wow! Iza Calzado Buntis Na Sa Kaniyang First Ever Baby

Super happy ngayon ang batikang aktres na si Iza Calzado dahil hindi lang birthday ang kaniyang ipinagdiriwang kundi pati na rin ang isang napakalaking biyaya na natanggap nila ng asawang si Ben Wintle.

Source: Iza Calzado Instagram

Sa kaniyang social media post ay ramdam na ramdam ang saya ng aktres dahil matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay nabigyan siya ng isang pagkakataon na maranasan kung papaano ang magdalantao at maging isang ina!

“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.”, paunang salita ng aktres sa kaniyang post.

Source: Iza Calzado Instagram

Makikita sa larawan ang kaniyang super cute “baby bump” na talaga namang kinagiliwan ng mga netizens. Sa katunayan ay sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni Iza mula sa kaniyang mga tagahanga at syempre sa kaniyang mga kasamahan sa showbiz industry na super excited rin para sa aktres.

Source: Iza Calzado Instagram

“Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan. In my forty years, I have come to discern when God is steering me in a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance.” dagdag pa ni Iza.

Source: Iza Calzado Instagram

Hindi niya mapigilang maging emosyunal dahil grabe ang mga nararanasan niya mula sa Panginoon. Hindi man niya plano ang magkaroon ng baby ay alam niya na ito ay plano ng Diyos at tuwang-tuwa nga silang mag-asawa dahil sa wakas ay mayroon na silang sariling pamilya.

Samantala, sa ngayon ay doble na ang ginagawang pag-iingat ng aktres sa kaniyang sarili lalo na at kailangan niyang masiguro na ligtas at malusog ang bata na nasa kaniyang sinapupunan.

Source: Iza Calzado Instagram

Congratulations, Iza and Ben!


No comments