Aktres Na Si Lovi Poe, Mayroon Na Ring Sariling Production Company!
Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang career ng aktres na si Lovi Poe at talaga namang pinatunayan niya sa publiko ang angking talento sa entertainment industry na namana niya sa kaniyang mga magulang na sina Fernando Poe Jr. at Rowena Moran.

Sa loob ng ilang dekada ay halos hindi na mabilang ang mga ginawang projects ng aktres at iba’t ibang roles na rin ang kaniyang nasubukan bilang isang artista. Ngunit sa kabila nito ay tila ba mayroon pang gustong ibahagi si Lovi sa kaniyang mga tagahanga at kamakailan lang ay ginulat nito ang publiko sa kaniyang nakakatuwang anunsyo.
“It’s been a passion of mine to be in the business of making films in front of the camera for a number of years already, and as I continue to do that I’d like to be behind the camera too and develop projects from the beginning,”, pahayag ng aktres sa kaniyang social media post.

Noong August 5, 2022 ay opisyal niyang ipinaalam sa mga netizens ang pagbubukas ng kaniyang sariling production company na binigyan niya ng pangalang “C’est Lovi Productions”.
Bago pa man ang nasabing anunsyo ay marami ng naka-line up na projects sa kaniyang production company katulad nalang ng “Lady Luck” at “Alyssa” na isang psychological thriller movie na sinulat at nasa ilalim ng direksyon ni Jerrold Tarog.

Matapos ang pamamayagpag ng kaniyang karera bilang isang aktres ay nais namang masubukan ni Lovi ang pagtatrabaho sa likod ng camera. Katuwang niya sa nasabing production company ang kasintahang si Monty Blencowe na isa ring film producer.
Isa na naman nga ito sa tiyak na aabangan ng mga tagahanga ng aktres at umaasa si Lovi na maipagpapatuloy ng kaniyang production company ang legasiya ng FPJ Productions na sinimulan noon ng kaniyang amang si Fernando Poe Jr (FPJ).

Samantala, sunod-sunod naman ang mga pagbati na natanggap niya sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz industry at excited na ring makatrabaho ang aktres sa kaniyang bagong kompanya.
Post Comment
No comments