Liza Soberano, Naka-bonding Ang Ilan Sa Mga KPop Idols At KDrama Stars!
Ibang level na talaga ngayon ang aktres na si Liza Soberano dahil kung noon ay hinahangaan lang ng mga banyaga ang kaniyang angking ganda at talento sa pag-arte, ngayon ay nagkaroon na siya ng pagkakataon para makasama ang mga ito.
Makikita sa mga viral photos at TikTok videos na hindi lang isa kundi madaming Korean idols at actors ang naka-bonding ng aktres habang namamalagi siya abroad. Ipinakita rin ni Liza na hindi lang siya magaling sa acting dahil kayang-kaya niya ring makipagsabayan sa dancing.

Sa katunayan, mayroon silang dance video clips ng singer- entrepreneur na si Jay Park at si Donghyuk na member ng iKON, isang K-pop group.
Maliban sa collab dance ay sumabak rin ang aktres sa #DearCupidChallenge sa TikTok kung saan nakasama niya si Yujin na leader ng girl group na IVE at si Hoony na nagmula naman sa grupong WINNER.
Dahil dito ay hindi nga mapigilang mapa-sana all ng mga netizens lalong-lalo na ang mga KPop fans na talaga namang pinapangarap na makita ng personal ang kanilang mga Korean idols.

Samantala, bago ito ay naging hot topic din sa social media ang pagbisita nina James Reid at Liza sa South Korean agency na Starship Entertainment kung saan naka-bonding din ang mga bigating Korean stars tulad nalang ni BamBam ng GOT7. Tila ba nalalapit na nga ang pag-abot ng aktres sa kaniyang pangarap na mas palawakin pa ang kaniyang mundo pagdating sa entertainment industry.

Nagsimula ang lahat ng ito sa official statement ni Liza na gusto niyang i-pursue ang international career at para maisakatuparan ito ay kinailangan niyang wakasan ang kontrata niya sa kaibigan at talent manager na si Ogie Diaz. Naging maganda naman ang pag-uusap ng dalawa at all-out nga ang suporta ni Ogie sa kaniyang alaga lalo na at alam niyang magiging maganda ang career nito sa pangangalaga ng kaniyang bagong talent manager na si James Reid.
“It’s weird because he’s my contemporary. I always saw him as a co-actor or co-artist of some sort so whenever we work together, it’s like I didn’t take him too seriously but honestly he has a lot to offer.”, kwento ng aktres.

Marami ngayon ang excited sa paglago ng career ni Liza at ang mga kababayan nating KPop fans ay umaasa na magkakaroon ng project ang aktres kasama ang kanilang mga iniidolo.
Post Comment
No comments