Breaking News

Mark Herras At Nicole Donesa, Ipinasilip Ang Kanilang Dream House!

Kasabay ng pangako ng pag-iibigan ng bawat magkasintahan ay ang pangakong sabay nilang haharapin ang bawat pagsubok at titiyaking magkasama pa rin sila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ganito nga ang nangyari sa celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa na kagaya ng pangkaraniwan sa atin ay nangangarap rin para sa kanilang pamilya.

Source: Nicole Donesa Instagram

Sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay hindi nakaligtas ang dalawa sa mga pagsubok sa kanilang relasyon at negosyo ngunit sa halip na manlumo ay ginamit nila ito para bumangon at mas lalo pang maging madiskarte. Ngayon nga ay sunod-sunod na blessings ang natanggap ng dalawa at isa na dito ang pagsasakatuparan sa kanilang dream house.

Source: Nicole Donesa Instagram

Itinuturing nga ito nina Mark at Nicole bilang “greatest blessing” ngayong taon at masaya nilang ibinahagi sa kanilang mga fans na hindi sila aalis sa Quezon City area kung saan orihinal na nakatayo ang dating naipundar na bahay ng aktor. Noong una ay balak nilang ibenta ang buong property ngunit dahil hanggang ngayon ay wala silang nakikitang buyer, nagdesisyon ang dalawa na i-demolish ang bahay at dito na mismo magpagawa ng bagong design.

Source: Nicole Donesa Instagram

“It’s a completely new design, as in wala ka nang maaalala sa design ng lumang bahay ni Mark. It’s like Mark never left the area. It’s a really good area din, still in Quezon City, which is one of our key points when finding a house.”, pagbabahagi ng celebrity mom sa kanilang family vlog.

Samantala, parang nakatadhana talaga na manatili ang pamilya ni Mark sa lupang nabili niya sa Quezon City dahil nakahanap kaagad sila ng contractors na makakagawa ng gusto nilang disenyo ng bahay. Sa ganitong paraan ay nakatipid pa ang dalawa dahil hindi na nila kailangan pang bayaran ang lupa na pagtatayuan ng kanilang tahanan.

Source: YouTube

“It so happens that we actually were never supposed to leave the area but instead, we found a team that could really build our dream home from scratch.”, dagdag pa ni Nicole.

Tinawag nila itong “Casa Corky” dahil lahat ng ito ay para sa pangarap nilang magandang buhay ng kanilang pamilya at unico hijo na si Baby Corky.


No comments