Breaking News

“Team Work Makes The Dream Work” Dianne Medina At Rodjun Cruz Ibinahagi Ang Kanilang House Rental Business

Walang katumbas ang saya na makatagpo ng isang tao na nakakaintindi sayo at suportado ka sa iyong mga pangarap sa buhay. Sa ganitong paraan nga ay mas nagiging maganda ang pagsasama ng dalawang tao kagaya nalang ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Source: Dianne Medina

Ikinasal ang dalawa noong 2019 at bago pa ang kanilang pag-iisang dibdib ay naihanda na nila ang kanilang sariling bahay na titirahan ng kanilang bubuuing pamilya. Pareho ang mindset nina Dianne at Rodjun pagdating sa paghawak ng pera kaya naman hindi nakakapagtaka na maliban sa kanilang karera bilang mga artista ay napapalago din nila ang kanilang inuumpisahang mga negosyo.

Source: Dianne Medina

Magkasama ang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at ngayon na mayroon na silang unico hijo ay mas lalo pang naging maigting ang pagnanasa nilang magkaroon ng magandang future ang anak na si Joaquin. Dahil nga sa sipag ng mag-asawa ay muli nilang na-achieve ang isa sa kanilang dream business at ito ay ang magkaroon ng bahay na pwedeng pa-rentahan.

Sa kaniyang Instagram post ay masayang ibinahagi ng aktres na sa wakas ay tapos na ang isa na naman nilang investment at ready na itong tirahan ng sinumang magkakagusto ng nasabing bahay.

Source: Dianne Medina

“..this HOUSE is up for RENT already. This is a ne house venture for me and my husband.”, ilan lang sa mga nabanggit ng aktres sa kaniyang social media post.

Malapit kay Dianne ang ganitong klase ng negosyo dahil ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaan noon ng kaniyang mga magulang at habang lumalaki ay natutunan niya ang tamang proseso para mapangalagaan ang house rental business.

Source: Dianne Medina

Samantala, naniniwala si Dianne sa kasabihang “team work makes the dream work” dahil hindi niya kayang maisakatuparan ang pangarap na ito kung wala ang partner niya sa negosyo at asawa na si Rodjun.

“I always believe that team work makes the dream work! So happy to share another New Investment of me and my husband..”, dagdag pa ng aktres.

Talaga namang napakaganda ng samahan ng mag-asawang Dianne at Rodjun kaya naman hindi nakakapagtaka na marami pa silang magiging achievements sa buhay.


No comments