Breaking News

Rita Gaviola ‘Badjao Girl’ Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Pagiging First Time Mom!

Kung dati ay nakilala siya bilang isang probinsyana at mahiyaing dalaga, iba na ngayon ang kilala natin noon na si Rita Gaviola a.k.a ‘Badjao Girl”. Marami siyang natutunan simula nang maging viral ang kaniyang kwento sa social media at habang mas lalong pinag-uusapan ng mga netizens ang kaniyang pangalan ay mas lalo niya ring nakikilala kung sino siya at ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay.

Source: Rita Gaviola Instagram

Dahil sumikat ang kaniyang pangalan ay sunod-sunod ang mga kumuha sa kaniya para sa mga commercial and brand photoshoots. Malaki ang nagawa ng social media para magkaroon siya ng self-confidence at sa katunayan ay naglakas loob itong sumali sa segmet ng It’s Showtime na “S3xy Bab3”.

Source: Rita Gaviola Instagram

Sa kabila ng pagiging aktibo sa online world ay natutunan ni Rita na gawing pribado ang kaniyang personal life kaya naman marami ang nagulat nang ianunsyo niya sa social media na mayroon na siyang anak sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Makikita nga sa mga larawan na masayang-masaya ang dating Pinoy Big Brother housemate sa kaniyang buhay ngayon lalo na at nabiyayaan pa siya ng isang anghel. Hindi naman ito nabahala sa magiging reaksyon ng mga netizens dahil alam niyang wala naman siyang ginagawang mali.

Source: Rita Gaviola Instagram

Sa edad na 19 years old ay matapang na hinarap ni Rita ang bagong hamon ng buhay bilang isang first time mom at kahit nga mahirap ang pinagdaanang proseso ay talaga namang abot-langit ang pasasalamat nito sa Panginoon na ngayon ay mayroon na siyang matatawag na sariling pamilya.

Samantala, hindi nito pinalagpas ang mga n3gatib0ng komento ng ilang netizens at sinagot ito sa paraang nag-iwan pa ng inspirasyon sa kapwa niya kabataan na ngayon ay nakakaranas rin ng pang-mamata ng publiko.

Source: Rita Gaviola Instagram

“Sa mga nadissapoint or madami pang sasabihin sa akin buhay ko yung tinatahak ko tsaka madami pa akong kayang gawin.”,banggit ni Rita.

Hindi nga hadlang ang panganganak para hindi maabot ng mga kababaihan ang mga pangarap nila sa buhay at sa katunayan ay nagsisilbi pa itong inspirasyon sa pagkamit ng tagumpay.

Congratulations sayo Mommy Rita!!!


No comments