Breaking News

“Math-tinik” Kambal Parehong Nagtapos Bilang Summa Cum Laude Sa UP Diliman!

Bilang isang magulang, masarap makitang nagkakasundo ang ating mga anak at nagtutulungan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay. Ganito nga ang naramdaman ng mga magulang ng dalawang kambal na kamakailan lang ay sabay na nagtapos ng kolehiyo at hinirang na Summa Cum Laude ng kanilang klase.

Source: GMA

Nakilala ang kambal bilang sina Margaret Esther Cruz at Madelyn Esther Cruz at kabilang sila sa 147 summa cum laude na nagtapos sa University of the Philippines Diliman noong July 2022. Marami ang namangha sa kanilang kwento dahil tila ba ayaw talagang maghiwalay ng dalawa dahil pareho silang kumuha ng kursong BS Mathematics at sabay ring nagtapos ng kolehiyo!

Source: GMA

Ngunit hindi kagaya ng ilan, nagawa ng kambal na matapos ang kanilang pag-aaral sa college sa loob lang ng tatlong taon at ito ay dahil na rin sa advanced learning na nakuha nila simula noong bata pa.

Maliliit pa lang ay nakitaan na sina Mads at Marge ng hilig sa pag-aaral. Sa katunayan, sa edad na tatlong taong gulang ay nag-enroll na sila sa Kumon Center sa Valenzuela at nagsimula ng matutong magbasa, magsulat at magbilang.

Source: GMA

Nagpatuloy sa ganitong learning system ang magkapatid at mukhang na enjoy naman ang mga subjects sa nasabing learning center kaya naman hindi nakakapagtaka na mas advanced ang kanilang mga natutunan kumpara sa normal na curriculum.

“They were able to study high school and college materials while in elementary. By Kinder, they were studying long division. By Grade 2, they were already doing Algebra and by grade 4, they were studying Trigonometry. Then by grade 6, they were able to learn Integral and Differential Calculus.”, kwento ng learning center.

Source: GMA

Ayon sa kambal, malaking tulong din ang suporta na ipinakita ng kanilang mga magulang at kapatid kaya naman ang tagumpay na nakamit nila ngayon ay alay nila sa kanilang pamilya.

Samantala, ngayong tapos na sila ng kolehiyo ay pansamantalang maghihiwalay ng landas ang kambal dahil si Mads ay nagdesisyong pumunta ng Amerika para doon kumuha ng PhD sa ilalim ng isang scholarship program. Si Marge naman ay mananatili sa bansa at kukuha ng Master of Science sa Mathematics sa UP Diliman.


No comments