Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Tingnan Ang Magarbo At Airplaine Cabin Inspired Taping Van Ng Aktres Na Si Bea Alonzo

Hangad ng bawat isa sa atin na magkaroon ng komportableng buhay at isa nga ito sa mga dahilan kung bakit ibinibigay natin ang lahat ng ating makakaya sa pagtatrabaho para kumita ng pera. Kahit mga kilalang celebrity sa ating bansa ay todo kayod din sa kanilang napilang karera at isa na nga dito ang aktres na si Bea Alonzo.

Source: Bea Alonzo Instagram

Sa loob ng ilang dekada ay hindi matatawaran ang pagganap ni Bea sa iba’t ibang pelikula at hanggang ngayon ay nananatili pa ring matatag ang kaniyang pangalan sa entertainment industry. Sa kabila nito ay masasabing naging masinop ang aktres sa kaniyang pinaghirapang pera at sa katunayan, ngayon lang siya gumastos para sa isang “taping van”.

Kung hindi pa nga siguro nagkaroon ng pand3miya ay hindi pa siya bibili ng sasakyan para sa trabaho ngunit dahil nakita niya ang kahalagaan nito ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpa-customize. At dahil nga ito ang kaniyang first ever “artista car”, ay talaga namang pinag-isipan niya ang magiging disenyo nito.

Source: Bea Alonzo YouTube

Full black ang kulay ng van ni Bea at tinted ang mga salamin para na rin sa kaniyang privacy. Pagpasok pa lang ay kumpleto na ang kaniyang health essentials tulad ng alcohol at pang-sanitize ng outdoor footwear. Hindi rin mawawala ang kaniyang indoor slippers na ginagamit niya habang nasa loob ng sasakyan.

Samantala, isa sa pinakapaborito niya dito ang ang leather “captain chair” na napakaraming benepisyo. Pwede niya itong gamiting tulugan at mayroon din itong massage feature kaya mas lalong nakaka-relax si Bea kapag hindi pa siya ang tinatawag sa taping.

Source: Bea Alonzo YouTube

At ang isa pa sa nakakatuwa sa upuang ito ay mayroon siyang charging port sa gilid kung saan ilalagay mo lang ang iyong smart phone at pwede na itong ma-charge. Sa gilid nito ay may pull-out table na ginagamit naman ni Bea kapag siya ay kakain o di kaya naman ay gagamit ng laptop.

Source: Bea Alonzo YouTube

Kahanga-hanga naman talaga ang customized taping van ng aktres at aakalain mong nasa business class cabin ka ng isang eroplano. Voice activated din ang ilan sa kaniyang mga gamit tulad ng pagbukas at pagpatay ng ilaw. Samantala, mayroon din siyang sariling microwave oven sa loob ng van dahil gusto ng aktres na laging mainit ang kaniyang pagkain lalo na sa panahon ngayon.

Source: Bea Alonzo YouTube

Nabanggit naman ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling eroplano ngunit dahil hindi pa niya ito kayang mabili sa ngayon, naisip niya nalang na gawing airplane-inspired ang disenyo ng kaniyang taping van.


No comments