Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Donny Pangilinan Ibinahagi Ang Pagpapatayo Ng Kaniyang Dream House

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay maagang namumulat sa kahalagahan ng tamang paggamit ng pera. Sa katunayan, sa murang edad pa lang ay natututo na sila kung papaano kumita at saan dapat inilalagay ang kanilang pinaghirapang pera. Ganito nga ang ginagawa ng karamihan sa mga batang artista ngayon at halos lahat sila ay nagi-invest na sa pagpapatayo ng kani-kanilang dream house.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Isa na dito ang aktor na si Donny Pangilinan na sa edad na 24 years old ay unti-unti ng binubuo ang kaniyang pangarap na bahay. Para sa ilan ay pribadong tao ang aktor at madalang nga itong magbigay ng personal update sa kaniyang mga fans ngunit ang bagay na ito ay hindi un na rin niya napigilang ibahagi sa mga netizens upang magsilbing inspirasyon.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Makikita sa kaniyang social media posts na malaki na ang natatapos sa kaniyang ipinapagawang bahay. Malawak ang espasyo nito at mukhang mayroon ding dalawang palapag. Kapansin-pansin naman ang naglalakihang puno sa paligid at tila ba maganda ang location ng kaniyang dream house dahil mula sa itaas ay makikita ang magandang tanawin. Siguradong masarap magrelax dito lalo na at presko ang hangin sa paligid.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Sa kabila ng kaniyang kaabalahan sa trabaho ay talaga namang naglalaan si Donny ng oras para bumisita sa site at hands-on din siya sa bawat detalye nito. Kasama rin siya sa pagpaplano at dahil nga dito ay mas lalo siyang hinangaan ng mga netizens at marami ang natutuwa dahil maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Samantala, nagustuhan rin ng publiko ang pangalan na ibinigay ng aktor sa kaniyang dream house at ito ay tinawag niyang “Casa Donato” na hango sa kaniyang totoong pangalan na Donato Antonio.

Sunod-sunod naman ang pagbati na natanggap ng aktor mula sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz industry at ang ilan nga sa mga ito ay si “Mr Pure Energy” Garry V. Ang ilan naman tulad nina Daniel Matsunaga at Darla Suler ay nagbiro na imbitahin sila kung sakali mang magkakaroon siya ng housewarming party.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Dahil nga sa ipinapagawang bahay ay mas lalo pang nadagdagan ang inspirasyon ni Donny para pabutihin ang kaniyang karera.


No comments