Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Gerald Anderson, Ipinasilip Ang Kaniyang Bagong Negosyo Na Tinawag Niyang “Hayati River Camp”

Sa kabila ng pagkakaroon ng magandang trabaho at maayos na kalagayan sa buhay ay hindi pa rin nawawala sa mga kilala nating celebrity ang kagustuhan nilang magkaroon ng sariling negosyo. Karamihan kasi sa kanila ay namulat sa katotohanan na hindi habang buhay ay magtatrabaho sila bilang artista kaya naman kailangan ay maroon silang back-up plan.

Source: Gerald Anderson Instagram

Isa na nga dito ang aktor na si Gerald Anderson na tila hindi mapigilang mag-invest sa iba’t ibang business. Matatandaan na noong 2019 ay nagbukas siya ng sariling gym na tinawag niyang “The Th3rd Floor Park” at nagkaroon ito ng dalawang branches na parehong matatagpuan sa Quezon City.

Source: Gerald Anderson Instagram

Ngayon ay isa na namang negosyo ang pinagkakaabalahan ng aktor. Bumili siya ng sariling lupa sa Zambales at doon niya itinayo ang Hayati Private Beach Resort na matatagpuan sa Botolan, Zambales.

Source: Gerald Anderson Instagram

Hands-on si Gerald sa pag-aasikasyo ng lugar na una nilang binuksan sa publiko noong taong 2020. At sa loob nga ng dalawang taon ay mas pinalawak pa ng aktor ang kaniyang ideya at nagdagdag ng isang atraksyon sa lugar.

Source: Gerald Anderson Instagram

Tinawag niya itong “Hayati River Camp” kung saan pwedeng magsagawa ng mga team building activities o di kaya naman ay simpleng family getaway. Binuksan nila ito sa publiko noong August 26 at mismong si Gerald ang nagpromote nito sa social media kasabay ng pagbibigay ng kanilang contact number.

“Gusto ko rin mag-focus sa mga business ko. Panibagong challenge din siya sa buhay ko.”, kwento ng aktor.

Source: Gerald Anderson Instagram

Napakaganda nga ng lugar at relaxing ito dahil napapaligiran ito ng mga puno at magagandang tanawin. Sinigurado din ni Gerald na pribado ang lugar at pinalagyan niya ito ng matataas na pader. Makikita dito ang iba’t ibang laki ng mga cottage at syempre mayroon ding indoor pool.

Source: Gerald Anderson Instagram

Kagaya nga ni Gerald, mahalaga na matuto tayong mag-negosyo at magkaroon ng iba pang source of income dahil sabi nga nila hindi habang buhay ay kaya nating magtrabaho.


No comments